1

1.8K 60 5
                                    

*alarm*

Pinatay ko 'yung maingay na alarm ko, ngayon yung first day ko sa The Focus as a part-timer. Nagulat nga ako tinawagan ako kahapon ng HR nila, akala ko di sila tatanggap ng part-timer, need ko rin kasi ng experience para dito sa course namin.

6:00 na pala, buti na lang 20 minutes away lang yung Makati Penthouse sa amin. Pagkababa ko, nakita ko si Mama naghuhugas ng pinagkainan namin kagabi.

"Ma, nag-almusal ka na? Sabayan mo po ako." sabi ko.

"Sige nak, mauna ka na, papasok ka pa. Good luck sa first day mo anak!" pag-che-cheer ni Mama sa akin.

Bago ako kumain, inayos ko muna yung schedule ko sa notebook ko.

Sabi 'nung HR, mamaya daw sa orientation sasabihin salary ko, pero balita ko malaki ang bayad dito per hour kahit part-timer kasi daw mabait 'yung may-ari. Pagkatapos ko kumain, at maligo, nanood muna ako ng cartoons dito kasama 'yung kapatid ko, tapos  ayon umalis na rin ako.

Pagkadating ko sa penthouse, grabe ang sosyal naman dito, kahit ba sabihing sa private din ako nagaaral ngayon, mas maganda pa ata 'to kesa sa school. XD

"Hello po, ako si Jah de Dios, ako po 'yung tinawagan niyo kagabi na part-timer." Pakilala ko sa HR.

"Ay, welcome and good morning po! Sunod kayo sa akin, ililibot kita sa building, saka para naman masanay ka din." Nakita ko sa ID niya, Miss Denise name niya.

Habang nililibot namin 'yung mga floors, marami siyang kinuwento na mga milestone ng The Focus, yung recent issue nila, ang cover is si Nana Komatsu, 'yung sikat na Japanese Actress. Halos international artist mga nafefeature nitong The Focus eh. Nasabi 'rin niya na maganda daw ang pasok ko dito sa The Focus kasi sa November daw, 50th year anniversary celebration na ng The Focus.

"Mr. de Dios, ito na 'yung ID mo. You will be the Junior Designer ng The Focus, yung office sa dulo, doon ka naka-assigned hanggang sa matapos ang kontrata mo sa December." Sabi ni Ms. Denise.

"Miss, thank you so much po!"

Pagkapasok ko, grabe. Ang busy nilang lahat.  Naglakad ako papunta doon sa table ko, pero swear, sobrang busy nila, may nagta-type, may nag-susurf ng net para sa inspo, yung isa naman nagpoproofread yata.

"HELLO!"

Pag-lingon ko, nagulat ako babae pala. Ang laki ng boses eh.

"Hi! You are....?" tanong ko.

"Hi! I'm Shar, isa sa mga proofreader dito sa The Focus. So ikaw pala 'yung Junior Designer na part-timer, ako rin eh, part-timer. Nice meeting you!"

Ang cute niya kaso yung pagsasalita niya parang gusto na niya makipag-sparring sa akin. May lumapit sa aking babae na nasa mid-40s, siya ata yung Head ng team na 'to.

"Mr. Jah, I'm Miss Eunice. Ang Head ng F&L team. Ayos lang ba kung bigyan kita ng trabaho ngayong first day mo?" Tanong niya sa akin.

Binigay na niya sa akin 'yung files at syempre ginawa ko na ang magic. Nakakatuwa lang na dati nagbabasa lang kami ng magazine na 'to, ngayon part na ako ng team na 'to kahit hanggang December lang ako.

Habang gumagawa ako, binigyan ako ng starbucks na americano ata 'to nung isang staff din.

"Yo, bro. Welcome. JC nga pala. Call me Sir JC pag naandito, sa labas kahit JC nalang." Tinapik niya ako sa balikat sabay umalis na at bumalik sa table niya.

"Jah, hanggang anong oras ka dito?" biglang tanong ni Shar sa akin.

"Ah, hanggang 2:30 PM, bakit? Overtime ba?" Tanong ko.

"Baliw hindi! Kasi 2:00 PM daw darating yung EIC natin dito, kagagaling lang niya ng Italy. Isa sila sa mga guest dun sa Italy Fashion Week. Ingat ka don, napaka-sungit non. Pag dumating 'yun dito ramdam mo yung tension. Sobra." Sabay balik niya sa table niya habang kumakain ng sandwich.

Natapos ko din 'tong pinagagawa sa akin exactly 11 AM. Sakto lunch time, 'yung iba bumaba, ang naiwan lang ako, saka yung dalawang proofreaders. Si Shar at Sej ata 'yung isa. Maya-maya inaya ako nung dalawa na kumain nalang dito, meron kasi daw ready to eat na lunch pack dito sa counter malapit sa table namin, eh may microwave din kaya ayun, init init nalang for 5 minutes.

"Kamusta first day... Jah?" Tanong ni Sir Sej, yung isang proofreader.

"Uhm... Medyo kabado po ako nung una Sir Sej, tapos nanginginig ako habang ginagawa 'yung task ko."

Tumawa silang dalawa, sakto tumunog na din 'yung microwave.

"Drop the formalities na. By the way, parehas kayo ni Shar na part-timer dito, hanggang November last week ata siya dito. Ikaw ba?" Tanong ni Sej sa akin.

"Ano po, hanggang December po, December 18 po." Sagot ko.

"From what school ka?" tanong ni Shar sa akin.

"Benilde ako, ikaw ba?" Sagot ko sa kanya.

"Uy! Lapit lang sa amin, pero di ako sa Benilde. Sa Triton ako eh, likudan ng Benilde, yung Blue yung building." Sagot niya.

Habang kumakain kami, dumating na sina Miss Eunice kasama nung mga ibang staffs na nag-lunch sa ibaba. Pinagmamadali kami kumain kasi andon na daw 'yung EIC, naunahan lang daw nila sa elevator.

"Guys, fix yourselves. Iba aura ni Sir Felip. Kala mo may susunugin ng buhay. Umayos kayo." Sabi ni Miss Eunice.

Bakit nung binanggit 'yung Sir Felip, bigla ako kinabahan? Parang gusto ko maglaho ganon, naisip ko baka dahil kinakabahan lang ako? Pero parang feeling ko talaga iba 'tong nararamdaman ko.

*knocks*

"Umayos kayo." sabi ni Miss Eunice habang palakad sa pintuan para pagbuksan 'yung EIC.

"Good Afternoon, Sir Felip--"

WHAT.

THE.

HELL.

IT CAN'T BE.

SIYA SI KEN.

KEN SUSON.

IT'S A SMALL WORLD TALAGA.

Ilang beses ko pinikit bukas mata ko, siya talaga eh. Si Ken, na Sir Felip na? Nag-iba na itsura niya, dati mukha lang siyang simpleng tao non, ngayon, ibang iba talaga aura niya. Ang tahimik bigla after namin siya batiin. Yung mga ibang staffs biglang nagsiyukuan.

"How's the magazine sales nung nawala ako? Yung Volume 52, kamusta yung sales?" Tanong niya.

"We sold 250K copies locally, 50K naman po internationally." Sagot ni Miss Eunice.

"I see." Sagot niya sabay pasok sa office niya na nasa likuran lang namin din tapat ng counter table na kinainan namin.

"Diba sabi ko sayo masungit." Sabi ni Shar sa akin.

"By the way, sino yung part-timer? Can he or she come in to my office? Gusto ko makilala." Utos ni Ken-- ay ni Sir Felip sabay pasok uli sa office niya.

Tinuro na ako ni Sir JC sa pintuan ng office niya, teka kinakabahan ako, feeling ko lalamunin na talaga ako ng lupa kahit nakatiles 'tong office.

Kalma, Jah. Si Ken lang 'yan. Kausapin mo lang tulad ng pakikipagusap mo sa kanya noon.

--

First part is now finally posted? Ano masasabi niyo? Drop your insights in the comment box! Next chapter will be posted on Wednesday or Thursday. 💕

--

Chapter 1: Edited!
10/21/2022

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon