31

452 22 8
                                    

"Thank you sa pagtulong sa akin sa assignments ko ha." sabi ko kay Ken.

Nag-drive thru muna kami sa isang fastfood chain para makabili ng makakain namin habang ansa kotse. Hindi rin kasi ako nakapag-almusal, nagmamadali na rin kasi ako. Nagtataka nga ako eh, kasi laging may baong extra shirt si Ken sa kotse niya. Boy Scout lang ang peg.

"Ayos lang 'yun, gusto ko na makatulong ako sa'yo kahit papaano." sagot ni Ken sa akin habang pina-pat 'yung ulo ko.

Nagpaalam na si Ken at pinatakbo na niya 'yung kotse, pagpasok ko sa hall, nakita ko si Gigi na nakatingin sa akin habang nakasandal sa may pader sa tabi ng elevator, at naka-ngisi pa siya sa akin.

"Hmm. Ikaw ha, sino 'yon? Pakilala mo naman ako sa jowaerz mo!" pangungulit ni Gigi.

"Huwag ka maingay, Gi! Naalala mo 'yung nagbigay sa akin ng pagkain non, 'yung may Mogu-Mogu? Siya yon." sagot ko.

Pagkasabi ko non, bigla siyang tumili. Mas kinilig pa kesa sa akin 'tong si Gigi. Hahahahaha!

"Nako, huwag ka niyan paiiyakin ah. Aagawin kita sa kanya kapag nangyari 'yon." pabirong sabi ni Gigi sa akin.

Napaisip ako, hindi naman ako siguro paiiyakin o sasaktan ni Ken. Basta malaki ang tiwala ko na hindi niya hahayaan na makaramdam ako ng ganon sa kanya.

Buong araw kaming busy, nagpasa kami ng project, may ginawa kaming animation at tinapos 'yung research namin. Alas-tres na ng hapon ng kumain kami ng Lunch ng mga kaklase ko sa canteen. Dun din ako nagkatime tumingin ng messages at chats. Nagpapadala pala si Ken sa akin ng mga pictures sa dry run kaninang umaga. Pagkazoom-in ko sa isang picture, parang 'yung Japanese client namin ay nandon din. Masyado silang close ni Ken, feeling ko, dati niya sigurong schoolmate tulad ni Miss Maine.

Ken's P.O.V.

Dumiretso na ako ng office pagkatapos ko ihatid si Jah sa school nila. Pagdating ko, naabutan ko na nagda-dry run na 'yung mga nasa technicals. Yung mga models, naka-pwesto na rin.

"Sir Felip, andito si Miss Saiko kanina. Binigyan niya kami ng pagkain kanina, pati yung mga model. Yung inyo, nandun po sa backstage. Babalik daw po siya mamayang 1PM dito." sabi ni Vester sa akin.

"Sige, salamat." Pagpunta ko sa backstage, nakakita na ako ng paper bag na may donut. Kahit kailan talaga napaka-caring ni Saiko, kaso nga lang hindi ko masusuklian lahat ng mga effort niya para sa akin. Ayoko na siyang paghintayin pa. Kaya pagtapos ng event, sasabihin ko na sa kanya lahat. Ipapakilala ko na rin si Jah sa kanya.

Dumating na 'yung araw ng mismong event. 7:30 'yung simula ng event. All set na 'yung venue, inumpisahan na rin 'yung mga tugtog. Yung team ko, nasa gilid na rin, inaayos na mga dapat ayusin. Nakita ko si Jah kanina na naka-suit at black. Makapagpa-picture nga sa kanya mamaya.

Dumating na rin 'yung mga guest, sina Saiko at si Mr. Mizuno dumating na rin. Guest speaker din ngayon si Mr. Mizuno, iaannounce din niya kasi na magcocollab ang Nonno at The Focus ngayong December.

Pagkatapos ko mai-introduce ang mga models at guests, nagsimula na ang fashion show. Hinahanap ng mata ko si Jah, pero hindi ko makita.

"Nasaan si Mr. de Dios?"

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon