11

646 29 13
                                    

Seryoso ba talaga na hindi darating si Shar? Lumabas ako ng bahay, palingon-lingon ako baka bigla na naman siya manggulat. Nung hindi na ako makatiis, tinext ko siya ng dalawang beses. Maya-maya, nagreply siya.

6:49 PM
Jah, sorry ha napaghintay kita.
7:01 PM
Pwede ba 'ko pumunta sa inyo bukas?

Nireplyan ko siya ng "Oo naman, sige." Tapos ayun, same time din daw punta niya.

*Kinabukasan*

"Mama, pupunta pala dito 'yung isa ko pang ka-trabaho. Pero mga hapon pa."

"Mukhang napapadalas yata mga bisita mo, anak ah. Sana sa susunod, girlfriend mo na yung pupunta dito." Napa-HUH talaga ako dito. Pa-move on pa nga lang ako dito kay Ken, tapos siya naman girlfriend agad nasa isip. Medyo okay na pakiramdam ko, hindi na ako mainit, pero masakit ulo ko at likod, kakahiga siguro 'to. Naisipan ko tuloy mag-jogging sa harapan ng bahay namin. Natigil lang ako nung tumawag si Shar sakin.

"Hoy Jah! May oven or microwave ba kayo?" tanong niya saken. "Oo meron, bakit?" sagot ko.

"Wala naman. Liligo na ako, chat nalang ako sayo or text later. Bye." Binabaan na naman ako ng phone. Ayos tayo jan, Shar!

-

"Mama, Shar nga pala."

"Sigurado ka ba anak na katrabaho mo ito? Hindi mo siya girlfriend?" tanong sa'kin ni Mama, minsan gusto ko nalang busalan bibig ni Mama, minsanan na lang ako magkabisita ng ganito, napapahiya pa ako. Hahahaha!

"Ano pala dala mo iha?" usisa ni Mama sa hawak niyang green na box.

"Banana Cake po, Tita. Tita, hindi na ako mahihiya, nais ko lang po sana itanong kung may microwave kayo? Binake ko pa kasi 'to kahapon, dapat kahapon ako pupunta dito, kaso nga lang nagpasama si Mama sa'kin. Kaya ni-ref ko muna 'tong cake." Sabi ni Shar.

"Ay! Kaya mo ba tinatanong kung may microwave kami? Hala, sarap niyan, banana cake." Sabi ko. Kinuha ko na 'yung box ng cake kay Shar, tapos pinaupo na siya ni Mama doon sa sofa. Naririnig ko sila naguusap, pero hindi ko na finocus na makinig kasi usapang babae. Hehehehe. Tinawag ko na sila nung nainit na 'yung cake. Hinati-hati ko na kasi hindi ganon kalaki microwave namin.

"Kung natuloy ka kahapon, makakasabay mo 'yung boss mo. May dalang cake din eh. Ay! Jah, initin mo nga yung pansit, baka masira eh sayang naman." Puro init na yata ginawa ko ngayong araw ah.

Matapos naming kumain, sinabihan ako ni Mama na dun muna daw kami sa kwarto ko magstay si Shar kasi daw pupunta daw ngayon yung mga members daw ng home-owners, may meeting sila. Baka daw maingayan kami, kaya dun nalang daw muna.

"Huy Jah, eto pala gamot oh. Pero mukhang okay ka naman na, itabi mo nalang!" inabot sakin ni Shar yung plastic ng gamot. Tahimik lang kami sa kwarto, nakaupo sa sahig. Nagce-cellphone lang siya.

"Nagpunta pala si Sir Felip dito?" tanong niya, pero hindi siya tumitingin sakin.

"Oo, nagpunta siya pero saglitan din siguro kasi magkikita daw sila ni Ms. Nicomaine." Sagot ko. Tumango nalang siya. Gusto ko sana siya tanungin kung ano 'yung sasabihin niya sa'kin dapat nung gabi nung pauwi kami galing shoot.

"Shar. May itatanong ako sa'yo."

"Ha? Ano yun?"

"Ano..."

"Hmm?"

"Marunong ka mag-Tekken?" tanong ko. Bigla ako hinampas ni Shar. HAHAHAHAHAHA Sorry, hindi ko kaya itanong agad agad 'yung gusto ko itanong. Kinakabahan kasi ako ng slight.

"Sira ulo ka, akala ko kung ano. Oo naman. Tara laban?!"

May ilang minuto na rin kaming naglalaro ni Shar ng Tekken, ilang beses ko na rin siyang natatalo. Hanggang sa inagaw na niya sa'kin 'yung joystick ko. Kakaiwas niya sakin, tuluyan na siyang nahiga sa sahig, at ako eto, nasa taas niya pero nakatukod yung braso ko sa sahig.

"Akin na 'yung joystick." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Hindi."

"Akin. Na. Ang. Joystick." Sabi ko. Ayaw mo ibigay ha, Shar?

"Ayoko."

"Ano pala 'yung sasabihin mo sa'kin nung gabi?" tanong ko. Bahala na Lord, curious ako eh.

"Wala yun. Kalimutan mo na 'yun." Sagot niya sabay iwas ng tingin.

Lalo ko pa nilapitan, hindi ko rin inalis titig ko sa kanya. Ewan ba, bakit hindi ko mapigilan na tumitig sa kanya.

"Pag di mo sinagot tanong ko, iki-kiss kita." Sabi ko. Alam ko naman na sasagutin ni Shar tanong ko eh.

"Ayoko sabi, saka di mo ko magagawang i-kiss." Pang-aasar niya sakin.

"Ah ganon?" pagtapos ko sabihin yun, bigla ko nalang siya kiniss ng 3 seconds. WTF ka Jah! Napaka-speed mo. Umupo na ako ng maayos pagtapos ko gawin 'yun, nabitawan niya na yung joystick kaya nakuha ko kaagad.

"Ano na Shar? Matatalo ka na oh." Pang-aasar ko sa kanya. Habang naglalaro na ako mag-isa, bigla niya akong binato ng unan sa ulo.

"BAKIT MO GINAWA YUN!?!??!!" sigaw niya habang nakatakip bibig niya.

"Eh ayaw mo sabihin sa'kin eh!" sabi ko naman.

"Gusto mo malaman?" tumayo na ako para hindi ako mangawit sa paglingon sa kanya.

"Gusto kita, Jah. Gusto kita. Like kita. I like you. Crush kita." Hindi naman siya nakatingin sa'kin ng sinabi ko 'yon, tapos namumula pa siya.

"Kaso alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan. Simple lang ako. Baka tamarin ka sa akin." Sabi niya pa.

Ayokong-ayoko talaga na naririnig sa mga babae na minamaliit nila sarili nila sa harap ng taong gusto nila. Mas okay nga sa'kin yung simple, para masasabayan ko. Isa pa, gusto ko na rin makalaya sa kung ano man nararamdaman ko para kay Ken noon, I mean, mabait naman si Shar, maganda siya at masipag.

"Hindi ko hinihiling na i-crushback mo ako, Jah. Gusto ko lang malaman mo nararamdaman ko para sa iyo. Uuwi na'ko." Sabi niya sa'kin.

Naglalakad na kami ni Shar papuntang guardhouse, dun ko siya ihahatid. Habang naglalakad kami, sobrang tahimik lang namin. Gusto pala ako ni Shar, medyo hindi ko pansin kasi nga siguro sa trabaho, saka medyo naisip ko na rin yun nung gabi na galing kaming shoot. Pero ayoko naman siya pangunahan. Pero, sa tuwing nakikita ko si Shar sa office, ginaganahan ako, saka parang ang gaan lang ng pakiramdam ko ganon.

"Shar, makinig ka sa'kin." Sabi ko.

"Shar, mabait ka. Maalalahanin ka. Wala akong pakialam kung simple ka lang. Kasi mas bagay sayo yun eh. Gusto ko sa'yo yung ganong ugali mo. Kaya wag mo i-down sarili mo lalo na sa harap ng taong gusto mo. Ang dating tuloy sa'kin ang choosy ko at mataas ang standards ko. Pero sa totoo lang, hindi malabo na magustuhan din kita Shar. Sana magkakilala pa tayo ng lubusan." Sabi ko sa kanya. Nilingon niya ako sabay ngiti.

Hindi na ako lumabas sa guardhouse, tinanaw ko nalang siya pag-tawid bigla kasi umambon eh, wala akong dalang payong. Nang makita ko na siyang sumakay sa Jeep, kumaripas na ako ng takbo pauwi.

Yung ngiti ko, hindi na nawala sa labi ko hanggang pag-uwi ko.

--

Nako, kinilig ba kayo? Curious na ba kayo dun sa ganap ni Ken at Maine? Kain bubog muna tayo ah, syempre bago ang saya, saktan muna natin ng slight sarili natin. AHHAHAHAHAHS

PS. KenTin fan-fiction talaga 'to, saka pag minadali ko, baka pangit kalabasan ng story.

PPS. 1.2K words, so far, eto pinakamahaba kong update.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon