35

501 19 15
                                    

Jah's P.O.V.

Kailangan ko maabutan si Ken sa office, ayoko ng patagalin pa 'tong sasabihin ko. Para sa amin din na dalawa 'to. Tinext ako ni Shar na nasa office pa si Ken at maya-maya lang daw ay aalis na. Pagdating ko ng building, kumaripas na ako ng takbo.

"Oh, Jah. Bakit nagmamadali ka?" tanong ni Miss Eunice sa akin.

"S-si Sir Felip, naandiyan po?" tanong ko.

"Wala eh, may meeting sa baba. Pero saglit lang naman 'yon. Utusan na rin kita, pakidala 'to sa baba, kailangan na kasi nila 'yan."

Pagkabalik ko uli ng office, nakita ko na si Ken sa may office niya na may kausap sa phone. Nahiya naman ako na puntahan siya, kaya inantay ko na lang matapos 'yung tawag niya. Naisipan ko na rin gawin 'yung sa article.

Mahigit 15 minutes ko rin tinapos 'yung article, pagtingin ko uli sa may office niya, wala na siyang kausap. Nanginginig ako buksan 'yung pintuan ng office niya kaya naisipan ko na lang siya i-text.

Hi. Are you free? Kita tayo sa Starbucks, I wanna tell you something.
5:34 PM

Sure. Mauna ka na. Susunod ako after a minute.
5:36 PM

Gaya ng sabi niya, nauna na ako dito sa Starbucks. Kinakabahan ako, at the same time, parang anytime may tutulong luha sa mata ko. Mahal ko naman siya, matagal na, kaso wala naman na akong laban. Wala naman akong magagawa eh. Hindi ko kaya ipaubaya sa iba 'yung taong mahal ko, pero tulad nga ng sinabi ko, wala na akong magagawa. Isa pa, wala namang kami, wala akong panghahawakan.

Handa na akong pakawalan ka, Ken.
Maya-maya lang, nakita ko na si Ken na pumasok. Nakangiti siya sa akin na para bang ang saya saya niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, natatakot ako baka hindi ko masabi 'yung sasabihin ko sa kanya.

"Pasensiya na, Jah. May inutos lang ako saglit kaya ako natagalan. Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Hindi pa." sagot ko.

"Oorder lang ako ha." tanong niya. Tumango na lang ako at tumayo na siya.

"Grabe, ngayon na lang uli tayo kumain ng magkasabay. Nakakamiss naman." sabi niya.

"Ah oo eh." Ewan ko ba bakit ang cold ko? Pwede naman na sumagot ako ng maayos. Hindi ko alam, parang may naka-stuck sa lalamunan ko.

"Jah, gusto ko lang sabihin na-"

"Ken. Hindi ko na papatagalin pa." pagputol ko sa kanya.

Ito na 'yun Jah, sabihin mo na.

"Ken. Ilang araw ako nagtiis, at ilang araw din ako nag-isip isip. Gusto ko lang sabihin sayo na-"

"Makikipag-ayos ka na sa akin? Babalik ka na ba sa akin?" hinawakan niya 'yung kamay ko at nag-umpisa ng tumulo ang mga luha sa kanyang mata.

"Palalayain na kita." sagot ko. Inalis ko rin 'yung pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. Napahilamos na lang siya sa mukha niya.

"What? No. Walang aalis. Walang lalayo. Jah naman... Please. Let me explain." nagmamakaawa niyang sabi.

"Walang aalis? Walang lalayo? Eh bakit ikaw? Bakit ka magpapakasal sa iba? Akala ko ba ako 'yung mahal mo?" Hindi ko na napigilang umiyak at tumitingin na rin 'yung ibang customer sa amin.

"Pakinggan mo ako, Jah. Ipinagkasundo lang ako kay Saiko, nung nasa MoA tayo na tumawag si Dad sa akin, ayun 'yung time na 'yon. Wala akong alam talaga. Nagulat din ako na sinabi sa akin na ikakasal na ako sa anak ni Mr. Mamura. Gumagawa rin ako ng paraan para hindi na ituloy ni Dad pero sila mismo ang nagdedecide ng lahat." sagot niya.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon