22

593 30 9
                                    

Oh, ikaw na bahala dito. Babalik na ‘ko sa dining hall baka isipin ng mga empleyado mo iniwan natin sila. Eavesdrop well!” sabi ni Hans sa akin.

Tignan niyo nga ‘tong dimuho na ‘to. Iniwanan ako dito sa damuhan. Ang lamok-lamok pa dito. Maaga kasi nag-dinner, feeling ko plinano din ni Hans ‘yon para hindi mahalata ng iba naming kasama ‘tong gagawin namin ngayon. 7:45 na sa relos ko. May 15 minutes pa ‘yung mga lamok para pupugin ako ng kagat, naka-sleeveless pa naman ako ngayon, putek.

--

Jah, ang ganda naman dito!” sabi ni Shar sa akin.

Naandito na kami ngayon sa cottage na pina-reserved ni Sir Hans para sa amin ni Shar. Ang ganda ng lighting, pati yung design, saka yung table setting. Kahit hindi formal yung attire naming ni Shar, mukha pa din na may formal date kami.

Kumakain kami ng pasta na sinerve nung waiter, nakakahiya at ang awkward. Ang tahi-tahimik, tanging tunog lang ng ahon ‘yung naririnig namin.

Shar? Bakit nga pala mugtong-mugto yung mata mo kahapon?” tanong ko.

Ah ano kasi. Napuwing ako.” Sabi niya. Halatang iwas na iwas siyang sagutin tanong ko.

Sus. Ano nga?

Tinawagan ako ni Ate Alex, yung pinsan ko. Tinanong niya kung ano na meron sa atin.” Sabi niya.

Napatigil ako doon. Oo nga pala, 1 month ng mahigit nung maging mag-MU kami, pero hindi pa rin
talaga malinaw kung ano na ba plano namin sa isa’t-isa.

Ano sinabi mo?” tanong ko.

Sinabi ko ‘yung totoo, Jah. Jah, wag k asana magalit o mainis sa akin ha? Marami akong na-realized nung gabi na nag-E.K. tayo. Totoo naman na gusto kita. Naiisip ko lang na baka masaktan natin isa’t-isa, Oo, alam kong normal ‘yun pero, parang hindi ko kaya na maging ganon tayo, sanay ako na nag-aasaran tayo, na ito tayo, na magkaibigan. Syempre pag naging tayo, magiging sweet tayo, tapos mag-aaway, tapos magbe-break tayo, tapos mag-iisnoban tayo hanggang sa hindi na tayo magpansinan. Ayoko maging ganon tayo, Jah. Parang mas okay nang maging magkaibigan nalang tayo.” sabi niya.

Biglang nanlamig ‘yung batok ko. Hindi ko alam ‘yung sasabihin ko. Nakikita kong may luha nang
tumutulo sa mata niya kaya pinunasan ko ‘yun gamit kamay ko.

Shar. Bakit naman ganon? I mean, kung maging tayo officially, normal lang naman ‘yung mag-away tayo
diba? Magiging okay din naman tayo doon after ng ilang suyuan at pag-so-sorry sa isa’t isa.” Sabi ko.

Oo aaminin ko, ayoko rin maging ganon kami ni Shar na mag-aaway, tapos mag-be-break, magkakaroon
pa ng lamat yung pagkakaibigan namin, pero diba normal lang naman na mag-away kayo ng girl/boyfriend mo?

Isa pa, Jah. Alam kong hindi ka pa rin nakaka-move on kay Sir Felip.” Sabi niya bigla.

Bigla akong natahimik. Magtataka na sana ako, kaso naalala ko nga pala naikuwento ko si Ken sa kanya
nung nakaraan, kasi ayoko naman magtago sa kanya.

Kaya hangga’t maaga pa lang, mag-gi-give way na ako. Alam kong mas deserve mo siya at hindi ako. Kilala ko sarili ko, saka baka mamaya sa umpisa lang ako magaling. Tulad noon...” nagsimula na siyang umiyak kaya naputol ‘yung sinasabi niya.

Tumayo ako at niyakap ko siya. Grabe, hindi ko alam na magiging ganito ‘yung magiging takbo ng usapan
namin ngayon. Kasi sa totoo lang, hindi pa talaga ako nakaka-move on kay Ken. Alam ko sa sarili ko na
gusto ko siya, akala ko naka-move on na ako, hindi pa pala.

Sorry Jah. Sorry…

Huwag ka umiyak, Shar. Sorry rin kasi hindi ko masabi sa’yo. Gusto ko naman sabihin pero naghihintay ako ng tiyempo. Gusto din kita makilala, gusto rin naman kita eh. Kaso ito nga, akala ko naka-move on na ako sa kanya. Sorry talaga, Shar.” Bigla na ding tumulo ‘yung luha ko pagtapos ko sabihin sa kanya ‘yun.

Naupo na uli kami at kumain uli. This time, alam na namin kung hanggang saan lang kami ni Shar, ‘yung
memories naming sa E.K. hindi ko kakalimutan ‘yon.

Kaya kung ako sa iyo, Jah. Umamin ka na uli kay Sir Felip. Baka ikaw lang din talaga makakapag-paalis ng pagiging moody at pagka-sungit niya.” Sabi niya sa akin.

Natawa ako at itinuloy ko ‘yung pagkain ko. Pagtapos namin kumain, naglakad-lakad muna kami sa may
dalampasigan. Naisip din namin na magandang sulitin namin itong pagkakataon na ‘to hanggat marami
pa kaming oras dito sa beach resort. Pagtapos nun, pumunta na kami sa Dining Hall, doon kasi nagaganap ‘yung inuman nila.

Oh! Bakit magkasama kayo? Kayo ha…” sabi ni Sir Vester sa amin ni Shar.

Hay naku, Kuya Ves! Lasing ka na. Ate Adelaide oh, ‘yung jowa mo kung anu-ano sinasabi.” Sumbong ni Shar kay Miss Adelaide.

Nasaan ba kasi si Boss? Kulang tayo kung wala siya. Parang bahay, pag kulang ‘yung foundation, hindi strong ‘yung bahay.” Sabi ni Sir JC. Mahahalata mo talaga na may mga tama na sila kasi kung anu-ano na mga pinagsasasabi nila.

Ah, the last time I saw him, he’s in his room, may chine-check na e-mail. Pero for sure, pupunta ‘yun dito. Oh, iyan na pala!” sabi ni Sir Hans.

Paglingon namin, nagulat kaming lahat bakit puro pantal ‘yung left arm ni Ken.

Oh, anong nangyari sa iyo?” tanong ni Sir Hans.

Malamok sa kwarto eh.” Sabi niya sabay upo sa tabi ni Sir JC at tumungga ng beer.

Naupo na rin ako sa tabi niya since iyon na lang ‘yung bakanteng upuan. Tamang inom lang sila ng beer,
ako nag-Tanduay Ice lang ako saka Pepsi. Taga-ubos lang naman ng pulutan role ko dito eh. Habang umiinom ako, narinig ko ‘yung mahinang tawa ni Ken habang nakatulala sa may lamesa namin.

Alam mo? Ang creepy mo.” Sabi ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Bigla niyang ginulo ‘yung buhok ko sabay inom ng beer uli.

Mauna na ako sa inyo. Inaantok na ako eh.” Tumayo siya at lumabas na ng Dining Hall.

Naalala ko bigla, ito yung time na narinig ko uli siyang tumawa. Ito rin ‘yung time na nakita ko ‘yung ngiti
niya na hindi pilit. Yung malalaman mo talagang totoo siyang masaya.

Bakit kaya? Mataas pa rin siguro
‘yung ranking ng The Focus sa Local Sales? Umakyat na ‘yung ranking ng The Focus sa International Sales?

May something sa akin na gusto ko siyang usisain pero baka mahalata naman niya. Bahala na siya kung sasabihin niya o hindi, pero one thing is for sure, masaya siya ngayon.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon