37

482 22 4
                                    

Ken's P.O.V.

Naiistress na ako.

Trabaho, 'yung sa arranged marriage na 'yan at sa amin ni Jah. Alas-tres na ng madaling araw, hindi pa rin ako nakakatulog. Nakatapos na ako ng dalawang anime, at nakalaro na ako ng CODM ng limang beses, hindi pa rin ako makatulog.

Nakokonsensiya ako sa ginawa ko nung hapon kay Jah. Nagiging cold ako sa kanya kasi dahil sa pumayag na ako magpakasal kay Saiko, at dahil para na rin maka-move on since sinabi niya na itigil na namin kung ano meron kami. Hindi ko sinasadya na maibuhos ko 'yung frustrations ko sa work at kay Dad sa kanya.
Nagising na lang ako nung may biglang may nagbuhos ng malamig na tubig sa akin.

"Buti naman nagising ka na." sabi ni Dad sabay abot kay Dee nung baso.

"Bakit mo ako binuhusan?!" tanong ko kay Dad.

"10:30 na ng umaga, Felip. Stop acting like a child, ikakasal ka na, ganyan ka pa rin?" sigaw niya sa akin sabay hampas nung tungkod niya. Nasampal na nga ako kahapon, nahampas naman ngayon. Napakamalas ko talaga.

"Sa tingin mo ba gusto ko 'yon." bulong ko.

"Ano!?" Sigaw niya uli sa akin, buti na lang napigil ng pinsan ko. Pinalabas niya muna si Dad ng kwarto at nagpaiwan siya.

"Alam mo, Kuya. Itatakwil na sana kita na kamag-anak kita dahil sa ginawa mo kahapon kay Jah, pero you should see this one." Inabot niya sa akin 'yung phone niya at nagulat ako sa nakita ko.

"Totoo ba 'to?" tanong ko.

"Mukha bang pageeffortan ko i-photoshop 'yan? Duh!" sagot niya.
Picture kasi ng kamay ni Jah 'yon, namumula at may sugat. Natapunan yata siya nung kape nung natabig niya 'yon. Napahilamos na lang ako sa mukha ko sa inis sa sarili ko.

"Look what you have done, Kuya! Ano ba kasi nangyayari sa'yo?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam, Dee. Punong-puno na ako ng frustrations, stress at isa pa itong sa kasal na 'to."

"Do you still love him?"

"I love him. So much." Sagot ko. Hindi ko ipagkakaila na kahit siya ang umiwas, mahal ko pa rin siya. Kaso pumayag na ako sa kasal, wala na akong magagawa don. Siguro nga, hindi kami para sa isa't-isa ni Jah.

"Shunga ka kasi, Kuya. Kesa ipaglaban mo, ayan, pumayag ka sa kasal. Alam mo naman na hawak ka sa leeg ni Tito, Kuya! Shunga ka talaga, naiinis ako sayo, sobra! Ngayon hindi mo na alam paano ka makakatanggi uli sa kasal na 'yan. Kung hindi mo na siya kayang ipaglaban uli kay Tito, mag-sorry ka man lang sa ginawa mo kahapon sa kanya."

"Dee. The worst thing is... Dad doesn't even know na may namamagitan sa amin ni Jah. He didn't know. Hindi ko pa sinasabi sa kanya, plano ko na sana but may ganitong arranged marriage na naganap."

"Ngayon alam ko na."

Nagulat kami parehas ni Dee sa sinabi ni Dad.

"You can't ditch the wedding, Felip. Sinasabi ko sa'yo. I will hold your bank account, aalisan kita ng pwesto sa company at itatakwil kita bilang anak ko once na hindi ka tumupad sa usapan natin."

"Kahit naman tumanggi ako, itutuloy at itutuloy mo itong plano, Dad."

Ngumisi na lang siya at inaya na niya si Dee umuwi. Pero bago pa sila umalis, may inabot si Dee sa akin na invitation, pagbukas ko non, para pala sa dinner sa Sabado, kasama ang parents ni Saiko.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon