24

579 33 4
                                    

Stop joking around, babalik na ako sa hotel.” Tumalikod na ako pero nahatak niya uli ako.

I’m not joking, Jah. Lagi akong nakasunod kung saan kayo nagde-date ni Shar, ‘yung nasa Town Center kayo, nung nag-E.K. kayo, I was there! Oo, call me stalker or what, I don’t care. Hindi ko mapigilan na hindi kayo sundan kung nasaan kayo, alam din ni Hans ‘yon.” Sabi niya.

Ayoko mag-feeling pero, ikaw ba ‘yung lalaking naka-jacket na may design na fire sa sleeves?” tanong
ko.

Ako ‘yon. Yung nabangga mo? Ako ‘yon. Shar saw me that day also. Sinabi ko na h’wag niya sabihin sayo na naandon ako. Tell me, gagawin ko ba ‘yung mga ganon kung wala ka lang sa akin, kung hindi kita gusto?” sagot niya sa akin.

I remained speechless. Sabi na eh. Siya talaga ‘yon. Kasi nagkatinginan kami eh, kahit naka-mask siya,
nakilala ko pa rin siya.

Tititigan mo lang ako? Wala bang like-back jan, Jah?” tanong niya sa akin.

Atat ka? Teka nga. Baka naman nandun ka rin sa–

Oo, yung kagabi. Kaya ako puro kagat ng lamok. Sorry, hindi ako nakinig ng sobra-sobra. Umalis din ako doon agad.” Sabi niya. Napaisip ako, narinig kaya niya ‘yung nasabi ni Shar tungkol sa feelings ko para sa kanya?

May puwang ba ako sa puso mo, Jah? Alam ko na kakatapos niyo lang ni Shar. Kahit hindi naging kayo, alam ko na masakit para sa kanya kung makikita niya tayo na magkasama. Kaya ko naman mag-antay. Babawi din ako sa’yo kasi hindi maganda naging trato ko sa iyo nung una. Dahil sa pinsan ko at kay Hans, narealized ko na hindi ko dapat ginawa sayo ‘yon. Nalinaw ko rin ‘yung feelings ko para sa iyo sa tulong ni Hans.” Sabi niya.

Ken. May gusto din akong sabihin sayo. Since nasabi mo na ‘yan sa akin. Might as well sabihin ko na rin sayo.” It’s now or never, Jah. Grab mo na ‘tong chance.

Ano?

Simula high-school pa lang tayo…

Pabitin ka naman.

Simula noon pa, gusto na kita. Ngayon, mahal na yata kita.” Sabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Niyakap ko na rin siya ng mahigpit. Grabe, halos tumalon na ‘yung puso ko sa kilig na nararamdaman ko.
Bumitaw siya sa akin ng yakap, at unti-unti niyang nilalapit mukha niya sa akin.

H-hoy!? Akala ko ba hindi ka nagmamadali? Ano, sana hindi tayo maging awkward. Saka ayon, alam mo ng gusto na kita mula noon, at iintayin ko ‘yang bawi na sinasabi mo sa akin. Grabe ka mag-sungit sa akin, tapos sa dulo magugustuhan mo rin ako? Nyeh.” Asar ko sa kanya.

Promise babawi ako. Sa office lang ako magiging cold sa’yo, pero pag tayo lang magkasama, magiging sweet ako sayo.” Sabi niya sabay kindat.

Landi mo. Tara na nga, balik na tayo sa hotel.”

--

Sir Hans, thank you po for letting us to have a vacation on your wonderful resort. Sana maulit uli!” sabi ni Sir JC.

Oo naman, magpa-reserve lang kayo sa akin. Sige na, I have to go back to Olongapo na, may board meeting na gaganapin sa resort mamaya. Thank you guys, and bro, Felip, thanks.” Nakipag-fist bump siya kay Ken, tapos kumaway naman siya sa amin.

Namiss ko Maynila! Oh paano ba ‘yan, uwian na!” sigaw ni Sir Vester.

Shar, sino kasabay mo umuwi?” tanong ko kay Shar.

Magkikita kami ni Mama sa Town Center ngayon. Kanina pa nga daw siya doon, alis na ako ah! Bye everyone! Ingat kayo sa pag-uwi!

Isa-isa na rin silang nagsialisan, ang natira na lang sa parking ay ako at si Ken.

Jah, let’s go?

Let’s go where?” tanong ko.

Natural, iuuwi kita sa inyo. Ipag-da-drive kita.” Sagot niya sa akin.

Huwag na, uuwi na lang ako mag-isa. Magpahinga ka na.” sabi ko naman.

Inagaw niya sa akin ‘yung backpack ko at dire-diretso siya naglakad papunta sa kotse niya. I guess wala
na akong magagawa kundi sumakay sa kotse niya.

Hanggang kailan sembreak niyo?” tanong niya sa akin.

Sa November pa. Bakit?

Wala, ayain lang kita for a date.” Namula ako doon sa sinabi niya sa akin.

Akala ko ba hindi ka magmamadali?

Gusto lang kita maka-date, nagmamadali na ‘yon?

De joke, sige. Saan ba?” Yuck, ang rupok.

Saan mo ba gusto? MoA?

Ayos lang naman. Kailan ba? Kasi pupunta ako ng Benilde next week kasi may ipapasa kaming requirements, or baka magtingin na rin ako ng grades ko.”

Eh di okay pala. Intayin kita sa labas ng school niyo then diretso na tayo? What do you think?

Ayos lang. Uy naandito na pala tayo, ang bilis naman.

Pahinga ka na Jah, may pupuntahan pa akong meeting mamayang 7 PM sa Shang. Chat kita, baka mag-alala ka sa akin eh.”

Kapal mo. Ingat ka mamaya ah.” Bago ako makababa ng kotse niya, niyakap niya ako.

Ayaw ko sana i-hug ka kasi gusto ko ng kiss, pero dahil hindi ako nagmamadali. Hug muna for now.”
Sabi niya sa akin.

Ang harot mo, SIR Felip.

KEN! Not Sir Felip. Sa office mo lang ako tatawaging SIR Felip.

Oh siya siya. Sige na. Thanks for the ride, Ken. Ingat ka mamaya.” Pagbaba ko ng kotse niy, hindi muna ako pumasok ng gate kasi tinignan ko muna siya makaalis. Napagtanto ko rin na maharot pala siya na malayo sa ugali niya sa office. Pagkapasok ko ng bahay, nakita ko si Mama na nag-zu-zumba. Nagulat pa siya nung nakapasok ako.

Uy! Andiyan ka na pala anak, sino kasabay mo umuwi?” tanong niya sa akin.

Si Sir Felip po, hinatid ako.

Ay ganon ba? Sige labas mo na ‘yung mga labahin mo jan, isasama ko na sa lalabhan ko ngayon.”

Sobrang antok pa ako kasi 4:30 pa lang ng madaling araw, ginising na ako ni Ken. Grabe, ilang araw pa
lang ako hindi nakauwi, sobrang miss na miss ko na ‘tong kwarto ko. Makatulog nga muna.

Nagising ako sa vibrate ng phone ko. 7 missed calls saka 3 na messages. Lahat galing kay Ken!

Hey
6:45 PM

Andito na'ko sa Shangri-La.
6:46 PM

Tulog ka pa ba? Heart mo bago kong IG post ha?
6:50 PM

Grabe ‘tong si Ken, nagpapa-heart pa ng post sa IG. Pero dahil marupok naman ako, eh di sige. I-he-heart ko.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon