Past 10 PM na ako nakatulog kagabi, nakakainis kasi 'yung "baby" ni Ken eh, grabe, naririnig ko pa rin hanggang ngayon. Namimili na ako ngayon sa cabinet ng pwede kong suotin ngayon sa pagpasok ko sa school. Nakapag-paalam na rin ako kay Ken na 2 PM na ako makakarating ng office kasi gagawa kami ng research ng mga groupmates ko.
"Mr. de Dios, paki-bago na lang ito, saka ito... at ito. Good job by the way!" sabi ni Miss Rivera, ang aming thesis adviser.
Naandito kami nina Gigi at Eri sa may hallway, nakakalat mga research papers namin, nahalo na nga rin sa nakakalat na papel 'yung mga documents na inaayos ko sa The Focus.
"Hey, de Dios. May nagpapaabot nito sa'yo." bati sa akin ni Kris.
Inabot sa akin ni Kris 'yung isang paperbag na naglalaman ng mga pagkain saka dalawang malalaking mogu-mogu. Pagtingin ko sa nakasulat sa paperbag, napangiti ako. Mukhang alam ko na kung kanino galing, pero syempre play safe muna ako, mahirap mag-expect eh.
"Kanino galing?" tanong ko.
"Di ko alam eh! Gulat ako, hinarang ako nung Guard, akala ko may nalabag ako na kung anuman, pinapaabot lang pala 'yan. Mukhang iniwan yata sa mga guard eh, wala rin silang nabanggit kung sino nag-abot. Ikaw ha, jumo-jowa ka na ha."
Nagpasalamat ako kay Kris, binigyan ko rin siya ng isang Choco Mucho na kasama dun sa bigay sa akin.
"Eat well and study hard. Love, K. Yie! Sana all!! Sino si K, Jah? Share mo naman!" asar ni Eri at Gigi sa akin.
"Secret." Iyan na lang ang sinagot ko, pero inabutan ko rin silang dalawa ng Choco Mucho. Habang kumakain sila, tumayo ako at naglakad sa kabilang side ng hallway. Balak ko tawagan si Ken.
"The number you have dialed is now unattended, please try again later."
Nakakapagtaka naman. Siguro merong meeting si Ken ngayon, maitext na nga lang. Pagbalik ko sa pwesto namin nina Gigi, tinuloy na namin 'yung sa thesis namin.
"Si Sir Felip?" tanong ko kina Sir JC.
"Wala pa eh, lumabas. May kasama na ano, babae, kasing tangkad ni Vester ganon, mukhang Japanese." sagot ni Sir JC.
"Ito, masyadong detailed. Pero oo, lumabas, may kasama, mukhang client yata. Huwag ka magselos, Jah. Sayo lang lalatik 'yun." biro sa akin ni Sir Vester.
Kararating ko lang dito sa office pero tambak na uli kami ng gagawin. 6 days from now, may event kaming ihahandle. Nakakakaba kasi hindi ako sanay sa mga ganitong event, kadalasan kasi na naoorganized naming event doon sa school, for seminars saka mga talks eh. Pero magandang experience din 'to, kaya sana it went well.
Habang nag-aayos kami ni Shar ngayon ng mga gagamitin sa pagdedesign sa venue, dumating na si Ken. Tumingin lang ako ng bahagya pero nagtama mga mata namin at ningitian niya ako. Kilig ako, hehehe!
Ken's P.O.V.
"Dee. Ikaw na mag-abot nito." utos ko sa pinsan ko.
Binilhan ko kasi si Jah ng mga pagkain saka maiinom para hindi siya magutom habang gumagawa ng thesis nila ngayong araw.
"Kuya... ayoko, baka pagkamalan kong jowa 'yon! Saka bakit hindi na lang ikaw yung mag-abot?" tanong niya sa akin.
Hindi sana problema 'to kung hindi lang ako tinawagan ni Dad na pupunta raw si Saiko dito sa office. Nakakainis, wrong timing lagi.
"Alam mo naman na 'yung rason eh. Kaya ikaw na, bigyan pa kita ng allowance kapalit niyan. Sige na, please."
"Nako, Kuya, nakakasura 'yang mukha mo, di bagay sayo maging cute. Pero sigurado ka ba diyan sa ginagawa mo? Tamang entertain dun kay Saiko-san?" tanong niya sa akin.
"Do I have a choice?" WALA. Wala akong choice kundi pagbigyan muna sila ngayon, pero may plano ako na umatras talaga. Iniisip ko pa kung paano, pero hindi ko 'yun patatagalin kasi iniisip ko si Jah.
"Basta. Text me kapag naibigay mo na." Pag-alis naman ni Dee, maya-maya lang, dumating na si Saiko. May dala na naman siyang regalo para sa akin.
"I hope you like it."
"Wow. This is a Marc and Spencer Chelsea Boots! How did you know that I like wearing these kinds of boots?" tanong ko.
Nabigla ako. Nasa 79 Euros 'to sa ibang bansa. I wonder how much it would be kung sa Pinas binili 'to.
"I stalked your instagram account." sagot niya sa akin.
"Wow. Thank you so much for this, Saiko! Nga pala, what brings you here?"
"Gusto ko lang sana magpasama sa'yo sa mall, if it's okay. I'm gonna pick-up my dress sa isang boutique para sa event niyo next week." sagot niya.
"Wala naman akong gagawin, pero later at 5 PM, may department meeting uli kami." sagot ko.
"That's good! Hindi rin tayo magtatagal sa mall, I need to go to my Mom's restaurant after non."
One thing I noticed about Saiko is that, she's super nice, halatang pinalaki siya ng maganda, hindi siya mukhang spoiled brat. Nakarating na kami dito sa boutique na pi-pickupan niya ng dress niya. Pinakita niya sa akin 'yung dress, maganda siya at bagay sa kanya. Pagtingin ko sa phone ko, takte! Walang signal, paano ko nito mate-text si Jah.
"Thank you sa pagsama sa akin, see you next week!" Paalam sa akin ni Saiko.
Habang nagdadrive ako pabalik sa The Focus, tunog ng tunog 'yung phone ko. Ngayon lang nagsidatingan yung mga messages. Pahamak talaga sa lovelife kapag wala kang signal eh.
Pagdating ko ng department namin, nadatnan ko silang sobrang busy. Oo nga pala, nag-aayos na kami para sa event. Nakita ko si Shar at Jah na inaayos 'yung mga gagamitin sa design. Paglingon sa akin ni Jah, ningitian ko siya. Si Jah talaga happy pill ko eh, kaya kailangan lagi ko siya nakikita para mawala stress ko. Marami kaming inasikaso ngayong araw, natapos uli 'yung meeting namin na may final output ng napag-usapan. Nakasanayan ko na rin na lagi kong hinahatid si Jah sa kanila.
"Salamat pala sa mga foods ah! May natira pa sa akin, tapos binigyan ko rin mga kagrupo ko ng pagkain. Bakit nga pala unattended yung number mo kanina?" tanong niya sa akin.
"Ah! Nasa boutique kasi ako kanina, may sinamahan lang ako. Walang signal doon eh, late ko na rin natanggap mga texts mo." sagot ko.
"Sabi sa akin ni Sir JC kanina, lumabas ka nga raw, may kasama ka daw na haponesa. Client natin?" tanong niya.
Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko pa naman plano sabihin agad agad 'yung set-up sa amin ni Saiko, kasi alam ko na magagawan ko ng paraan 'yon para hindi matuloy. Sorry Jah, kung magsisinungaling ako. Pero malalaman mo rin lahat sa susunod.
"Oo, isa rin siya sa mga guest sa event natin. Anak siya ng kilalang may-ari ng Japanese Magazine." sagot ko.
"Talaga ba? Kinakabahan na ako sa event, Ken. Sana maging okay 'yung kalabasan." sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya sabay tap sa ulo niya. Ang cute cute ng baby ko. Sarap i-kiss kaso, saka na lang kapag may label na kami.
"Pasok ka na sa inyo, baby." sabi ko. Pagbaba niya sa kotse, kinawayan niya na ako at sinenyas ko na pumasok na siya sa loob nila kasi alam ko kasi na iniintay niya pa ako makalayo bago siya pumasok ng bahay nila kaso mahamog sa labas ngayon at ayaw ko na siya magkasakit pa uli.
BINABASA MO ANG
Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️
Fanfic[ MAJOR EDITING ] Meet Jah, a part time Junior Designer of the prestigious Fashion Magazineㅡ The FOCUS Magazine! Aside from his goal to work in a prestigious magazine company, hinahanap niya ang kanyang crush slash friend na si Ken Suson, laking gul...