30

492 26 11
                                    

Three days from now, magsisimula na 'yung event namin. Habang inaasikaso namin dito 'yung sa event, ginagawa ko rin 'yung thesis namin. Hindi kasi ako makakapasok ngayon sa class namin, bukas na.

"Wow, Jah. Busy busy ah." bungad sa akin ni Shar.

"Uy! Gawa muna ako ng thesis ha? Mga 30 minutes lang tapos babalik na uli ako." sabi ko.

"Nako, ayos lang! Alam na din naman ni Miss Eunice at Sir Felip." sagot ni Shar sa akin.

Hindi na kami masyado nagkakausap ni Shar, mas busy na kasi siya kesa sa akin, saka ang balita ko, may dine-date daw siya. Good for her kasi may nakilala siyang lalaki na magpapasaya sa kanya. Habang nagta-type ako, nagulat na lang ako ng may malamig na bagay na dumapo sa pisngi ko.

"Busy bee yung baby ko ah." Si Ken pala, may dalang pepsi in can saka box ng donut.

"Salamat ha. Hindi kasi ako makakapasok ngayon, kaya tinatapos ko 'to ngayon. Pasensiya na kasi dinala ko pa 'to sa office."

"Ayos lang, aral ka mabuti. Besides, I admire you for doing two things at the same time, mahirap pagsabayin ang OJT at schoolworks. I can see your potential and we need na maging flexible at all times kapag nasa company ka na." sabay tap niya sa ulo ko.

Magkatitigan lang kami habang tina-tap niya ulo ko. Uupo na sana siya sa bakanteng upuan sa tabi ko nang tawagin siya ni Sir JC.

"Sir, Mr. Mizuno is looking for you." Nagulat pa siya sa sinabi ni Sir JC.

"Really? Sige susunod na ako. Jah, see you later." Inayos niya 'yung upuan at sumunod na kay Sir JC papunta sa venue.

Mahigit 1 oras ko din tinapos 'yung pinarevise sa akin. Tamang kain lang muna ako dito habang sinesend ko kay Gigi 'yung file ko. Pagtapos non, bumaba na ako sa venue.

"Jah, pakilagay 'tong sabitan ng wardrobe sa likuran, tapos after non, pakicheck kung okay 'tong presentation para sa event." utos sa akin ni Ms. Eunice.

Sinunod ko muna 'yung utos ni Ms. Eunice, at pagtapos non, nilapitan ko na si Sir Vester para dun sa presentation. Napansin ko rin na wala si Ken dito, baka may pinuntahan.

"Sir, okay na po. May mga typographical errors lang kayo pero naayos ko na." sabi ko.

"Yun oh, salamat, Jah!" sabi sa akin ni Sir Vester.

Maya-maya lang, dumating na si Ken. May kasama siyang babaeng na mukhang Japanese. Ito siguro yung client namin na sinabi sa akin nina Sir Vester at Sir JC sa akin nung nakaraan.

"Everyone, I would like you to meet Miss Saiko Mizuno. One of our guests in the event. Mizuno-san, this is my team in Focus Magazine." pakilala ni Ken sa aming lahat.

"Hello minna-san! I brought you guys foods, hindi rin ako magtatagal, may dinner pa ako ngayon tonight. Good luck on your event!" nakita ko na nag-ngitian si Ken at si Miss Saiko, at nagyakap din sila. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko kaya bumalik uli ako sa office namin.

"Ehem, may nagseselos."

Nagulat ako, pagtingin ko si Ken uli.

"H-hindi ah! Naihi lang ako kanina." palusot ko.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon