10

635 32 6
                                    

Shar’s POV

Maaga ako nagising ngayon, sumama kasi ako kay Mama sa palengke ngayon. Plano ko bisitahin si Jah sa kanila ngayon kasi may sakit siya eh. Naisipan ko na mag-bake ng Banana Cake para sa kanya. Pag-uwi naming sa bahay ni Mama, naligo na ako at inumpisahan ko ng mag-bake.

“Lenlen, mukhang may pagbibigyan ka niyan ah.” Asar ni Mama sa’kin habang inaantay ko ma-bake yung Cake.

Ningitian ko lang siya at tinawagan ko muna si Jah, para naman mabigla siya.

“JAH!!! Pupunta ako sa inyo, dalhan kita ng gamot. H’wag ka ng umangal jan. Basta mga after lunch ako pupunta!” sabi ko nung sinagot niya tawag ko sa kanya. Nung narinig ko ‘yung tunog ng oven, bigla ko na din pinatay ‘yung phone ko. Medyo kinakabahan ako at the same time kasi natatakot ako maligaw sa subdivision nila, at isa pa first time ko lang gawin yung ganito.

Naiisip ko rin na ngayon ko na lang sabihin kay Jah yung nararamdaman ko para sa kanya. Kaso, baka di maniwala? Umakyat na ako para maghanda ng isusuot ko. Mag-dress kaya ako? Mag-short? Mag-pants? Mag two piece? Joke.

“Lenlen, umuulan ah. Magdala ka ng payong. Maulan. Saka, mukhang bihis na bihis ka ah. May date ka ba anak?” tanong ni Mama sakin habang naglalaro ng Candy Crush sa iPad.

“Nako Ma. HAHAHA! Wala ho akong date. Oo nga pala, Ma, may naitabi pa ba kayong box ng cake? Yung kakasya sa ginawa ko.” Tinignan ko muna yung sarili ko sa harapan ng salamin bago ako umalis. Naka longsleeve akong white ngayon at jeans, naka-sandals din ako kasi maulan nga. Rubber shoes sana balak kong isuot, kaso baka pag nilabhan ko eh hindi ka agad matuyo dahil nga umuulan.

Paglabas ko ng bahay, nagpara ako ng trycicle palabas ng subdivision at dumiretso na sa pharmacy para bilhan si Jah ng gamot. Sa google maps ko lang din tinignan yung daan papunta kina Jah, dahil andito na ako sa Pharmacy, dalawang kanto lalagpasan ko tapos pagliko dun, subdivision na nila. Habang naglalakad ako, nakita ko yung kotse ni Sir Felip. Bigla ako napatigil.

Ken’s POV

“Oh okay. Will set another meeting, Mr. dela Cruz. Thank you for expressing your interest in our company.”
Tumawag kasi yung Chief Executive ng isang Italian Magazine na gusto maki-collaborate sa The Focus. Malaki-laki din ‘yung offer saka isa pa, mga sikat na artista sa Milan. Manonood sana ako ng anime nung bigla nagsulputan yung groupchat ng The Focus dito sa telegram.

JC
Get well soon, @jahdd.

Vester
Get well bunso!

Oh. May sakit pala si Jah. Balak ko sana i-chat si Jah via PM, kaso nga lang... hays. Nanood nalang ako ng Demon Slayer, nasa episode 5 na ako, nang bigla ako nauhaw. Habang nanonood ako kanina, hindi ko matigil kakaisip kung ano na ba lagay ni Jah ngayon. There’s a part of me na gusto ko siyang puntahan since I’m his boss pero, hays.

After 1 hour, I found myself in a cakeshop, buying a cake for him. Putangina, parang kanina lang, nagdadalawang isip pa ako. Paglabas ko ng shop. Bigla ako napatigil. HINDI KO NA ALAM ANG BAHAY NIYA. Anak ng tipaklong. Wala akong data. Kaya tinanong ko na lang sa guard kung saan ‘yung subdivision na ‘yon. Habang binabagtas ko ‘yung daan na sinabi nung Guard, parang nakita ko yata na naglalakad yung isa din na empleyado ko sa The Focus. Shar San Pedro yata name? Sa side mirror ko lang siya napansin, nakapayong siyang yellow nun kaya di ko rin makilala.

Shar’s POV

HALA OMG.

Nakarating ako sa gate ng subdivision nila, nakarating ako nang hindi ako naliligaw. Ang gaganda pala ng bahay dito, at ang alam ko, dito nakatira yung isang sikat na artista din. Sa di kalayuan, nakita ko ‘yung kotse ni Sir Felip na tumigil sa isang bahay. Bigla ko tuloy tinignan sa streetview yung bahay nina Jah sa google maps.

Confirmed. Si Sir Felip pupuntahan si Jah. Nahiya ako tumuloy nang nakita ko na naglabas siya sa kotse ng bilao ng pansit saka cake. Naglakad ako ng tatlong beses paatras, bigla ako nakaramdam ng kirot sa puso ko. Ganito ba kapag heartbroken?

Napatingin ako sa dala ko, isang box ng cake, at gamot. Ang simple ko lang. Baka hindi ako magustuhan ni Jah kung ganito lang ako ka-simple. Tumakbo ako palayo sa bahay nina Jah hanggang sa marating ko na uli yung guardhouse, grabe hindi ko inaasahan na habang tumatakbo pala ako, tumutulo na luha ko. Tinext ko na lang si Jah na di ako makakatuloy na kunwari may lakad kami ni Mama.

Pagkababa ko ng trycicle sa bahay namin, dahan dahan ako pumasok ng gate. Baka mapansin ni Mama na dala ko pa’rin yung cake. Namumugto pa mata ko saka medyo basa pa buhok ko dahil naulanan ako. Hays. Ganito pala no, kapag nahe-heartbroken. Masasaktan ka sa simpleng bagay. Pagpasok ko ng bahay, nadatnan ko si Mama na nakahiga habang nagbabasa ng Magazine. Napaupo na lang ako bigla sabay iyak. Nilapitan ako ni Mama at niyakap niya ako.

“Anak, okay lang ‘yan. Normal lang sa nagmamahal ang masaktan.” Kinuwento ko lahat sa kanya. Sinabi ko na may namumuo akong feelings para kay Jah. Matapos ng paguusap namin ni Mama, nilagay ko sa ref ‘yung cake na ginawa ko, at umakyat na ako sa kwarto para magbihis.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kakaiyak. 6:45 na pala ng gabi. Pagtingin ko sa cellphone ko, may 3 unread messages ako na natanggap mula kay Jah.

5:45 PM
Shar, sigurado ka hindi ka ba pupunta?

6:01 PM
Inaantay kasi kita dito baka joke mo lang!

HALA SHET. Nag-text si Jah. Syempre hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Nireplyan ko na siya.

--

1 month din halos wala akong update. Hindi kasi ako nakagawa ng story talaga, saka inuna ko pa mga ACADS ko, sorry mga kapatid kung nabitin kayo! Naka-draft na dito 'yung second fanfiction ko, i-pupublished ko nalang kapag nasa finale na 'tong book na 'to.

Sana kiligin kayo sa next chapter. ><

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon