36

452 36 15
                                    

Jah's P.O.V.

Yung dating Ken na masungit, cold at pala-sigaw? Ayun bumalik na naman.
Kanina pa niya kami binubulyawan. Ayaw ko na tanungin kung bakit, alam ko naman na ang dahilan nun eh 'yung nangyari kahapon. Nakaka-konsensiya kasi nadadamay sa inis itong mga workmates ko, na dapat sa akin lang.

"Ang simple simple na nga lang ng pinapagawa ko, hindi niyo pa magawa ng tama!" sabi ni Ken sa amin habang nasa gitna kami ng meeting.

"Do you think na bebenta 'tong issue ng magazine sa ganyang klaseng idea? Use your brain!" binato niya sa basurahan 'yung manuscript at nag-walkout. Nanatili lang kaming tahimik doon, hanggang sa binasag na ni Sir JC 'yung katahimikan.

"Ano nangyari kay Boss? Hindi naman 'yun ganon diba? May regla ba 'yon?" tanong niya habang kinukuha sa basurahan 'yung manuscript.

"Huwag ka ngang maingay diyan, at baka marinig pa tayo ni Sir. Ulitin na lang uli natin 'yan mamaya. Let's have a short meeting mamayang hapon. Tara na." sabi ni Miss Eunice.

Nabalot tuloy ng tensyon 'yung office, tumatahimik kami bigla pag lalabas si Ken ng office niya, pag naman wala siya, nakakahinga kami ng maluwag.
Nung naglalakad na ako pabalik sa office galing CR, may nakabangga akong babae. Kaparehas ko siya ng ID lace sa school. Mukhang hindi naman siguro siya intern dito kasi anong petsa na.

"Hello, Jah! Andito ba si Boss niyo?" tanong niya.

"Hi! Kanina pa siya wala eh, mga isang oras na, may meeting yata. Bakit po pala?" tanong ko.

"Bibisitahin ko lamang siya, hahaha! By the way, I'm Heidee, Dee for short. Nakukwento ka ni Kuya sa akin kaya kilala kita. Pinsan niya ako." pakilala niya.

"Ay talaga ba? Pero feel ko pabalik na siya dito. Gusto mo pumasok ka muna? Para hindi ka mag-antay diyan sa labas?" Tumango naman siya at sumunod sa akin. Nagulat din sina Miss Eunice pagkapasok ko, pinakilala ko naman si Dee sa kanila, doon siya umupo sa may bakanteng upuan sa tabi ni Shar. Naalala ko na may itatype pa pala ako kaya nagmadali na ako, medyo mahaba-haba iyon at ayoko mag-OT kaya tatapusin ko na.

Nagulat kaming lahat nang may nagbukas ng pintuan, si Ken pala. Tuloy tuloy lang siya ng lakad, at kasunod niya 'yung pinsan niya. Pero bago pa makapasok si Dee sa office ni Ken, lumapit muna siya sa akin.

"Huy! Pwede ba ako magpa-utos sayo, Jah? Kung okay lang?" tanong niya.

"Sige, ano ba 'yon?" tanong ko.

"Ano, bili ka naman ng coffee at frappe sa SB. Tapos, bili na lang ikaw ng iyo, tapos, donut din para sa inyong lahat. Nakalimutan ko kasi bumili bago ako magpunta dito. Diretso ka nalang sa office ni Kuya ha. Salamat!"

Gustuhin ko man tumanggi, pero wala na, naibigay na sa akin 'yung pera. Nagpaalam na ako kay Miss Eunice na lalabas ako. Napapaisip pa rin ako na bakit ganoon na 'yung inaasta ni Ken. Dapat kung galit siya, sa akin na lang, ako na lang pahirapan niya. Nadadamay pa tuloy 'yung iba.

"Here's your order sir." Inabot na sa akin nung barista 'yung inorder ko. Sunod naman ako nagpunta sa 7/11 malapit dito sa office, dito na lang ako bibili nung donut.

Pagkabalik ko sa office, bigla ako kinabahan. Nasa labas pa lang ako ng pintuan ng office niya pero ramdam ko na 'yung aura na hindi kanais-nais. Pero gusto ko na rin maiabot 'to agad kaya pumasok na ako.

"Thanks, Jah! Pakibigay kay Kuya 'yang coffee. Salamat!"

Binilisan ko ng slight 'yung paglakad ko kasi mainit 'yung baso, kaso nung pagkalapag ko nung kape niya, nabuhos 'yon sa pinipirmahan niyang documents.

"What the hell, Mr. de Dios?" sigaw niya sabay tayo. Bukod kasi sa documents, nabasa rin 'yung damit niya. Kumuha ako ng tissue at pinunas-punasan ko 'yung lamesa niya, nadantayan pa ng kamay ko 'yung natapong kape kaya napaso rin ako.

"Pag-aabot na nga lang ng kape, hindi mo pa magawa ng maayos?" Sigaw niya sa akin, sabay bato ng lalagyanan non sa akin.

"Wala akong soft copy nitong document, galing pa 'to sa client ko! Hindi na ako makakahingi ng document ulit! Ang tanga tanga mo naman!" sigaw niya uli sa akin.
Naiiyak ako habang sinasalansan 'yung mga nabasa. Nakakaiyak kasi kung sigaw-sigawan niya ako eh para bang hindi niya ako kilala, na para bang hindi ako naging parte ng buhay niya. Lumapit si Dee sa akin para tulungan ako sa pagpupunas. Napansin ko rin na namumula na 'yung kamay ko na naipatong ko sa may kape. Ang sakit sakit na nga ng kamay ko, nasaktan pa ako sa sinabi ni Ken. Aray, double kill.

"Get out!" sigaw ni Ken sa akin. Hindi ko siya pinansin at patuloy kong inayos 'yung mga document, pinupunasan ko 'yung lamesa niya ng bigla niya ako hawakan sa braso at hinila palabas ng office niya.

Wala na akong nagawa kundi umiyak. Nakita ko rin na nakatingin sina Miss Eunice sa akin, narinig siguro nila 'yung nangyari, kaya kinuha ko na lang 'yung bag ko at umalis.

Ang sakit Ken, ang sakit.

Dee's P.O.V.

"So why are you here?" malamig na tanong ni Kuya sa akin.

"Kuya!? Anong sinasabi ni Tito na pumayag ka ng magpakasal?!" sigaw ko.

"Can you please lower down your voice? Yeah. Pumayag ako. Big deal?"

"Big deal? Yes, Kuya! Paano na si Jah?" napatigil siya sa ginagawa niya nang masabi ko 'yon.

"Wala. Isa pa, pinakawalan na niya ako. Naka-ilang suyo na ako pero wala pa rin. Eh di mas mabuti ng ganito." sagot niya.

"What a lame reason, Kuya! Kung mahal mo 'yung tao, ipaglaban mo!" sigaw ko.

"Will you please shut your mouth? Hindi ako makapag-focus dito." sagot niya sa akin.

"You are so unbelievable." sabi ko sabay irap sa kanya.

Napaupo na lang ako sa inis. Kahit pinsan ko 'to si Kuya, gusto ko siyang ipalapa sa tigre. Naupo na lang ako dito sa sofa at nagbasa-basa ng mga magazine. Maya-maya lang, may kumatok. Si Jah na siguro 'yon.
Pinasuyo kay Jah 'yung kape dahil sa inis ko kay Kuya. Kaso may nangyaring hindi maganda. Natapon ni Jah 'yung kape sa document na inaayos ni Kuya.

"Get out!" rinig kong sigaw ni Kuya kay Jah. Pinapaalis ko na si Jah para hindi na siya masigawan pero nagmamatigas siya, nagulat na lang ako nang hawakan ni Kuya si Jah sa braso at hinila palabas. Grabe. Hindi ko ineexpect na gagawin ni Kuya 'yon kay Jah.

Paglingon ni Kuya, sinampal ko siya ng napaka-lakas.

"Kuya. I don't get you. Paano mo nagawang ganunin si Jah? Ang sama mo naman sa kanya. Pinahiya mo siya, Kuya! Dahil sa ginawa mo, gusto na kitang itakwil bilang kamag-anak! Pwede naman kung cold na 'yung pakikitungo mo sa kanya, pero 'yung sigawan at pahiyain siya sa harap ko? Maling-mali naman 'yon Kuya. Hindi ka pa nakuntento, binato mo pa sa kanya 'yung baso!"

Napahawak siya sa pisngi niya. Sakit ba, Kuya? Dapat lang 'yan sa'yo. Kinuha ko na 'yung bag ko sa sofa at lumabas na ng office.

Press 1 kung itatakwil ko na siya bilang kamag-anak.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon