32

451 24 8
                                    

Jah's P.O.V.

Nagsisimula na 'yung event. Ako naka-toka dito sa may technicals, well, lahat naman kami may ginagawa, kami kami lang din kumikilos dito kasi wala naman kaming ibang gagawin talaga. Kanina, ako nag-assist sa mga guest, ako din taga-check ng mga ipe-present sa event. Nag-a-assist din ako dun sa nag-aayos ng mga wardrobe, taga tulak ako ng sabitan. Hahahaha! Nakakapagod pero ayos lang naman.

"Jah, ikaw muna mag-picture ng mga model, may e-escortan lang akong guest." binigay sa akin ni Sir Paulo 'yung camera at pumunta na sa gilid ng stage. Sa kaka-picture ko, nahagip ng lens ko si Ken na masayang nanonood at may kausap siya sa tabi niya. Pinicturan ko rin siya ng stolen. Ma-print nga tapos lagay ko sa likuran ng phone ko or display ko sa kwarto ko.

Maya-maya lang, nagkatinginan kami. Nginitian ko siya, hindi ko pa siya nakakausap bago magsimula 'yung event. Naiinitindihan ko naman kasi siya 'yung acting Editor-in-Chief namin.

Nang matapos 'yung pag-rampa ng mga model, dinner na. Nakita ko si Ken na may kausap sa phone, palapit na sana ako nung may lumapit sa kanyang lalaki. Medyo hawig niya 'yon. Baka iyon 'yung Kuya niya.

"Guys, kain muna tayo. Kinuha na kayo nina Vester ng pagkain, pila na lang uli kayo kapag may gusto pa kayong kuhanin." sabi ni Miss Eunice sa amin.

"Uy, uy. Anong kinuha mong ulam sa akin, Ves? Ayan nice, kaldereta. Nakakita ako don ng tiramisu, makakuha nga mamaya." sabi ni Kuya JC sabay upo.

"Nakita mo ba si Miss Saiko? Ang ganda no? May boyfriend na kaya siya?" tanong ni Sir Paulo at natawa naman kami.

Maganda naman si Miss Saiko, napaka-swerte siguro ng magiging boyfriend niya. Nakita ko rin siya kanina, sobrang ganda niya. Hawig niya 'yung japanese actress na si ano.. Yuuko Aranyan 'yata ang name.

"Nakita niyo ba 'yung Kuya ni Sir Felip? Ang gwapo no?" sabi ni Janine, na taga ibang department.

"Hoy, Janine. Masyado ka pang bata para sa kanya. Huwag ka na muna mag-daydream!" asar ni Sir Paulo.

"Gabi ngayon so night dream dapat, at isa pa, di ka rin naman mapapansin ni Miss Saiko!" kapag talaga itong dalawa nagkatuluyan, ay ewan na lang.

"May announcement daw kasi si Mr. Mizuno ngayong dinner. Ay ayan na pala." sabay tayo papunta sa gilid ng stage. Tumayo na rin kaming lahat para masaksihan 'yon, nakita ko si Ken na nakasunod sa mag-ama. Bigla tuloy ako nakaramdam ng kaba. Inayos ko na din 'yung lens ng camera para ma-picturan ko na.

"Good evening, Ladies and Gentlemen. I would like to praise Mr. Felip Jhon Suson and The Focus Magazine for this wonderful event." Naglakad ako ng bahagya sa stage para mapicturan si Ken, grabe, proud ako sa soon-to-be jowa ko. Hehe! Bigla uli ako kinabahan nung nagkaroon ng long pause si Mr. Mizuno after ng sinabi niya. Napansin ko rin na ngumingumiti si Saiko kay Ken. Tingin lang 'yun, Jah. Huwag ka kabahan.

"I, Hiro Mizuno is pleased to announce the marriage of my daughter Saiko Mizuno to Felip Jhon Suson."

Kasabay ng announcement ang pagpindot ko sa shutter ng camera. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala 'yung luha ko. Bakit ganon? Ken? Ikakasal ka na pala. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin. Hindi ko na mapigilan 'yung luha ko, kaya pagtalikod ko, binigay ko kay Sir JC 'yung camera at tumakbo palabas ng venue, na umiiyak.

Gusto kong isipin na hindi totoo 'yung narinig ko pero paulit-ulit kong naririnig 'yung sinabi kanina. Kakatakbo ko, nakarating ako sa dulo ng hallway, at umiyak doon.

Akala ko ba, mahal mo ako Ken? Nagsabi ka pa sa akin na liligawan mo ako pero ginago mo naman ako. Ang sakit. Sobrang sakit. Ano bang laban ko don, anak 'yun ng may ari ng magazine company, at ako? Isang hamak na estudyante at OJT sa kumpanya na 'to.

"Jah? Jah!"

Napapunas ako ng mga luha ko. Si Shar pala 'yon.

"Jah.."

"Ayos lang ako, Shar." sabi ko habang inaayos 'yung damit ko. Bigla niya akong kinaltukan sa ulo.

"Jah, mas mabuting kausapin mo muna si Sir Felip para-"

"Para ano? Marinig ko galing sa kanya na ikakasal na siya? Ang sakit na nga na marinig mula sa ibang tao 'yun, tapos siya pa magsasabi sa akin? Para akong lumunok ng blade non!" sigaw ko.

"Alam ko Jah na masakit, pero deserve niya pa rin na marinig mo 'yung explanation niya. Malay mo, prank lang yon. Malay mo, na-arrange marriage siya, tapos di niya gusto yung babae." sagot naman ni Shar sa akin.

"Sa mga drama lang 'yan nangyayari, Shar. Hindi lahat nangyayari sa totoong buhay." sagot ko.

"Jah!!" Nagulat kami parehas ng makita namin si Ken na tumatakbo papalapit sa amin. Namumutla pa nga siya at habol hininga siya.

"Iwan ko muna kayo, Jah." Tumalikod na si Shar at tumakbo na uli pabalik sa venue.

Paalis na rin sana ako ng hilahin ako ni Ken at yakapin. Ano 'to, yakap ng taksil?

"Ken. Pwede ba."

"No. I can explain. I will explain." sagot ni Ken habang umiiyak.

"Wala ka na dapat ipagpaliwanag. Narinig ko lahat 'yon. Kaya pala natanong mo sa akin noon kung uso pa ba 'yung arranged marriage. Kaya pala lagi siya bumibisita dito sa office. Kaya pala.." sagot ko. Napaupo ako sa sahig kasi sobrang nanglalambot ako sa mga nangyayari, hindi ako makagalaw. Para akong na-paralyzed.

"Oo, totoo 'yon na napagkasundo kami sa isa't-isa pero Jah, hindi ko talaga gusto si Saiko. Ikaw ang gusto ko, Jah. Ilang beses ko ng tinurn down 'yung alok nila sa akin." pagpapaliwanag niya.

"Tinurn down? Sige, sabihin na natin na hindi ka nga pumapayag. Pero marami ng nakasaksi ngayon, maraming press, maraming nakapag-video kanina. As if naman na hindi 'yon magva-viral sa twitter, lalo na't nasa angkan kayo ng sikat. As if naman na kaya mo pa silang i-turn down ulit."

"Ayun na nga Jah, ilang beses na ako nagsabi pero makukulit sila. Lalo na si Dad. Ilang beses ko ng tinanggihan pero lagi niya akong binibigla sa mga ganitong bagay." sagot niya.

"Alam mo, Ken? Bumalik ka na doon. Huwag mo na ako pag-aksayahan ng oras. Kailangan ka nila. Hayaan mo na ako."

"One more thing. Itigil mo na panliligaw mo sa akin. Ikakasal ka naman na. Handa ako magparaya. Sana maging masaya kayong dalawa. Advance best wishes to the both of you."

Tumayo na ako at naglakad pabalik ng venue. Tinatawag niya ako pero hindi na ako lumingon pa muli. Bago ako pumasok ng venue, pinunasan ko muna 'yung mata ko at inayos yung damit ko. 9:45 na pala ng gabi, ang alam ko hanggang 11 ng gabi itong event kasi maya after-party celebration pa.

Drained na drained na ako kaya naisipan ko ng umuwi. Nagpaalam ako kina Miss Eunice na hindi ko na matatapos 'yung event kasi uuwi na ako, dinahilan ko na lang din na may groupings kami kinabukasan para sa thesis namin kahit wala naman talaga. Pumunta na ako sa backstage para magpalit ng damit ko, at pagkakuha ko ng bag ko, umuwi na ako.

Pagkarating ko ng bahay, naramdaman ko na nagvivibrate 'yung phone ko. Puro tawag at messages, lahat galing kay Ken, at dalawa galing kay Shar. Grabe, ang sakit pala ng ganon. Hindi ko ineexpect na sa akin pa mangyayari yon. Hindi ko rin ineexpect na gagawin 'yon sa akin ni Ken.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon