34

473 18 8
                                    

Ken's P.O.V.

Dad's health condition is already stable. Naandito ako sa bahay namin sa Quezon City, ilang araw din akong hindi nagste-stay ng matagal sa office, bukod sa madami akong meeting, ako din 'yung nagtitingin kay Dad kasi nasa Cebu ang magaling kong Kuya.

Kausap ko ngayon sa call si Shar. Isang linggo na ako nanunuyo kay Jah, pero wala pa rin, kadalasan pa nga, binabalik pa sa akin ni Shar 'yung mga pagkaing pinabibigay ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ginagawa ko naman ang lahat. Hays.

"Sir... Ano ng gagawin mo?" tanong ni Shar sa kabilang linya.

"I don't even know, Shar. Gusto ko ipaglaban itong pagmamahal sa kanya pero all of my efforts? Nasasayang. Pasensiya ka na kung nadamay ka pa sa gulo namin."

"It's okay lang, Sir. Gusto ko kayong tulungan maging okay. Napapansin din ni Jah na lagi tayong magkasama, Sir. Sabi niya itigil ko na raw pakikipagtulungan sayo."

Nanlumo ako. Akala ko ba Jah, mahal mo ako? Hindi ko naman talaga ginusto 'to eh. Kung alam mo lang talaga, Jah. Handa ko naman i-explain sayo lahat lahat.

"Isa na lang talaga, Shar. Kapag wala pa rin, I'll stop." sagot ko. Nagpaalam na siya kasi may ginagawa pa raw sila sa office. Pagkabalik ko naman sa loob ng bahay, nakita ko si Dad na nagbabasa ng dyaryo habang kumakain ng meryenda.

"Felip. We will be having a dinner with Saiko and Mr. Mamura dito sa bahay. Pinahanda ko na rin 'yung isusuot mo." sabi niya.

"Ayoko. Hindi ako sisipot. Sa labas ako kakain." sagot ko sabay talikod.

"What the? Ikakasal ka na pero pasaway ka pa rin!" sigaw niya sa akin.

"Mukha bang ginusto ko magpakasal? Hindi niyo nga ako kinunsulta man lang. Binigla niyo ko, Dad. Hindi ako pasaway, Dad. Ako na nga ang nag-take over sa pwesto niyo sa The Focus na imbes si Kuya. Sinunod ko na mga gusto niyo, pati ba naman sa lovelife ko, kayo pa rin masusunod? Hindi ko gusto magpakasal sa taong hindi ko naman mahal. Dad, ayoko ituloy 'yung kasal. Hindi ako magpapakasal. Magpapa-kasal ako sa taong gusto ko." sagot ko sabay talikod.

Nagkulong na ako sa kwarto ko. Ala-5 lang ng hapon pero gusto ko na matulog. Naiinis ako at nagkaroon ako ng Tatay na tulad niya na sobrang napaka-inconsiderate. Nanood muna ako ng anime, medyo inaantok ako kaya siguro makaidlip muna.

--

"Sir, eto po 'yung damit. Please suotin niyo na, baka mapagalitan ako ng Dad mo."

Binigay ni Ate Coni, ang katulong namin 'yung longsleeve na brown na isusuot ko ngayon sa dinner. Ginising ako ni Ate Coni para sa dinner ngayon gabi. Aalis sana ako para pumunta kina Hans kaso kagigising ko lang at nagtext siya na nasa Olongapo siya ngayon kaya hindi rin ako matutuloy.

"Well, buti gising ka na. Have a seat." Pagkaupo ko, sumandok na agad ako ng pagkain. Bahala sila diyan, wala akong pakialam, saka dinner naman 'to eh, kakain na lang ako.

"Manners, Felip. Manners." pabulong na sabi sa akin ni Dad.

"It's okay lang, Tito. Ang cute nga niya eh." sabi ni Saiko. Naubo naman ako sa sinabi niya. Nagsimula na sila mag-usap tungkol sa business. Wala din naman akong interest sa pinaguusapan nila, kaya kumain na lang ako ng kumain. Nang makaramdam na ako ng pagkabusog, nagpaalam muna ako na lalabas, naisipan ko umupo dito sa poolside, sabay lawlaw ng mga paa ko sa pool. Nagulat ako nung may malamig na dumampi sa pisngi ko.

"Hi, Felip Jhon! Beer?"

"Saiko-chan. Thank you! Walang "Asahi" dito sa Pinas, ngayon pa lang ako makakatikim nito."

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon