Ilang araw ako kinukulit ni Dad tungkol doon kahit ilang beses ko nang nirereject 'yung offer na 'yon. Nung gabi na 'yon, naisipan kong tawagan si Jah. Kumalma ako bigla ng narinig ko 'yung boses niya kahit phone call lang 'yun.
"Hello, Ken. Kamusta?" tanong niya.
"Eto ayos lang naman, may sinabi lang sa akin si Dad pero ayos lang naman." sagot ko.
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Jah 'yung tungkol sa offer ng Tatay ko sa akin.
"Akala ko kung ano eh, pero bakit ka nga pala napatawag?" tanong niya.
"Wala.. namiss kita eh." sagot ko.
Narinig ko 'yung mahinang tawa ni Jah. Nakakainis naman, kung kailan okay na kami ni Jah, saka naman may ganong mangyayari.
Pagpasok ko sa office namin, bigla ako naalarma kasi bukas 'yung ilaw sa office ko. Sa pagkakaalam ko ay sinara ko 'yon bago ako umalis.
"Konnichiwa." bati sa akin ni Saiko.
"Good morning, Saiko-san. I'm sorry, I don't know how to speak in Japanese."
"It's okay. I can understand both English and Tagalog language. Conyo nga lang, hehe!" sagot niya.
Simple lang si Saiko, naka-dress siya na pinartneran niya ng pink sandals, nakatali buhok niya at may light make-up. But still, not my type.
"Paano ka nga pala nakapasok?" tanong ko.
"Your dad gave me the spare key. Sorry kung hindi ako nakapag-paalam." sagot niya.
"It's fine, nagulat lang ako. By the way, you already ate breakfast?" tanong ko.
"Yep! Saka saglit lang ako dito, I still need to go to my Dad's company eh. Dinalhan lang kita nito, sorry din kung nabigla ka sa offer ng Dad ko sa Dad mo." sabi niya sabay abot sa akin ng paperbag na may Mochi saka mga snacks na naka-Japanese characters.
"Ayos lang, mahirap talaga maipit sa ganong sitwasyon, nadadamay pa mga anak nila na walang kamalay-malay." sagot ko.
"Yeah.. ay, I'm gotta get going. Baka inaantay na niya ako."
"Hatid na kita?" tanong ko.
"Huwag na! May driver ako hehehe. May gusto lang pala ako sabihin sa'yo."
"Ano 'yun?"
"Sana matutunan mo akong magustuhan."
Jah's P.O.V.
Magkasama kami ni Ken ngayon sa Starbucks pero parang ako lang mag-isa ngayon. Paano kasi, mula umaga hanggang ngayon hindi ko siya makausap ng maayos. Tulala lang siya.
"May sakit ka ba?" tanong ko.
"Wala naman." matipid niyang sagot.
"Eh bakit nagkakaganyan ka?"
"Wala. Sorry, Jah. Ayos lang ako." sagot niya.
Hindi ko na alam kung ano pa yung sunod kong itatanong kaya naisipan ko na lang na ilabas 'yung Switch ko para maglaro.
"Jah, may tanong ako sa'yo, is arranged marriage is still a thing sa panahon ngayon?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Nakaramdam din ako ng kaunting kaba.
"Oo naman, siguro, depende sa rason. Bakit?"
"Wala naman.." matipid niyang sagot uli.
Tahimik pa rin siya habang pabalik kami ng office. Ano kaya nangyari dito kay Ken? Hindi ko naman siya matanong kasi nagtatanong na ako sa kanya kanina, baka makulitan lalo sa akin. Nanatili lang kaming tahimik hanggang sa makapasok na kami sa department namin, nakakabingi 'tong katahimikan ni Ken. I need to do something para malaman kung ano nangyari sa kanya. Tamang tama meron kaming meeting mamayang 5:30, tanungin ko na lang siya mamaya after ng meeting.
"Sana maging okay 'yung event natin. Sikat na magazine head ang isa sa mga guest natin kaya sana ipakita natin na kaya natin maghandle ng event tulad nito. Yung mga task, please pakigawa ng maayos. Meeting adjourned. Pwede na kayo umuwi." sabi ni Ken.
Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko sa lamesa, may biglang yumakap sa akin sa likod. Si Ken.
"Jah.. sorry." bulong niya sa tenga ko.
Bigla nanghina mga tuhod ko. Pigilan niyo ako, baka masunggaban ko 'to ngayon sa office. Joke lang!
"Alam mo? Buong maghapon ko inisip kung bakit ka nagkaganyan. Ano ba kasi nangyari?" tanong ko.
Umupo siya uli at humarap sa akin. Siguro kung nakakatunaw lang talaga 'yung mga titig ni Ken, baka liquid form na ako dito.
"Wala naman, may sumagi lang sa isip ko bigla. Pero ayos na ako, sorry kung tahimik ako kanina." Matapos niya sabihin yun, hinawakan niya kamay ko.
"Oo nga pala, sabi mo may sasabihin ka sa akin nung nag-MoA tayo? Ano pala 'yon?"
"Jah. I want to ask.."
"Ask what?"
"I want to ask if I can court you?"
Tama ba narinig ko? He was asking me if he can court me?
"Hey, I am not pressuring you-"
"No. Gusto ko maging akin ka na. Gusto kita ligawan, Jah. Kaya't sana, pumayag ka. I want to know the answer now. As in now na."
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na pumapayag ako kaya I kissed his cheeks na lang.
"Ano 'yun?" tanong niya.
"Pumapayag na ako. Iyon yun."
"Ha? Isa pa nga. Hindi ko kasi ma-gets eh." pa-cute niya pang sabi.
"Heh, gusto mo lang ma-kiss uli eh. Isa lang 'yon. Basta pumapayag na ako."
Pagkasabi ko non, bigla siya tumayo at tumalon talon. Buti na lang kami na lang natira dito sa office, kung hindi, ay ewan na lang talaga.
Niyakap niya ako ng mahigpit, at ganoon din ako. Hindi ko yata kakayanin na mapunta pa si Ken sa iba. Ang tagal tagal kong itinago at pinahalagahan itong feelings ko para sa kanya, sana hindi ko pagsisihan lahat ng ito. Sana talaga.
Hinatid na ako ni Ken sa bahay namin, lagi niya na itong ginagawa simula nung umuwi kami galing Olongapo. Minsan sa amin siya nagdi-dinner kasi si Mama mismo nagi-imbita sa kanya na kumain.
"Ingat ka sa pag-uwi." sabi ko sa kanya.
"See you tomorrow, baby." paalam niya sa akin.
Natawa ako sa sinabi niya pero deep inside, kinikilig ako ng sobra. Inantay ko muna makalayo si Ken bago ako pumasok ng bahay. Ilang beses nagre-replay sa utak ko 'yung "baby", baka hindi ako makatulog dahil doon!
BINABASA MO ANG
Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️
Fanfic[ MAJOR EDITING ] Meet Jah, a part time Junior Designer of the prestigious Fashion Magazineㅡ The FOCUS Magazine! Aside from his goal to work in a prestigious magazine company, hinahanap niya ang kanyang crush slash friend na si Ken Suson, laking gul...