20

613 30 2
                                    

"Ang tagal naman nila!" tanong ni Miss Eunice sa amin.

Andito na kami ngayon sa parking lot ng building, ang inaantay nalang namin ay sina Ken, Sir Vester at 'yung girlfriend niya.

Maya-maya lang, dumating na si Sir Vester at 'yung girlfriend niya. Bale si Ken na lang 'yung inaantay namin. Tatlong araw din itong outing namin, kaya bukod sa backpack, may dala pa akong isang bag. Hindi na rin ako nagpantalon ngayon, naka-sweatshorts na lang ako at naka-shirt, gayundin sina Sir Vester, Sir JC at Sir Sej.

Ilang minuto ang lumipas ng matanaw namin 'yung black na Hyundai.

"Hi. Sorry na-late. Siya pala si Hans Kim, yung owner nung beach resort na pupuntahan natin." pakilala niya sa kasama niya.

"Hala, you look like Kim Mingyu of Seventeen!" sabi nung girlfriend ni Sir Vester. Natawa siya sa sinabi ng girlfriend ni Sir, nagpakilala naman siya at nang matapos, tinulungan niya kami sa mga bitbit namin.

Ang pwestuhan namin sa kotse, nasa passenger seat si Ken, sa pangalawang row naman ako, si Shar at Miss Eunice. Sa likuran, si Sir JC, Sir Sej saka 'yung dalawang mag-jowa.

"Sir, Ilang beses po akong tumawag sa phone niyo. Ring lang ng ring." sabi ni Miss Eunice kay Ken.

"Sorry, hindi na ako nakabukas ng messages kanina kasi nagmamadali ako. Medyo na-late ako ng gising kasi may agenda ako kagabi." pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa salamin sabay tingin sa akin. Medyo kinabahan ako sa tingin niya sa akin, buti nalang walang nakapansin.

"HOMAYGAD TARA PICTURE PICTURE!" Sigaw ni Sir Vester nang makababa kami sa kotse. Nagpuntahan naman kami dun sa may entrance para magpicture, si Sir Hans ang kumuha sa amin ng picture. Nag-selfie din sila sila, ako naman, pa-simple lang ako kumuha ng picture kasi nahihiya ako.

"Magkahiwalay ang girls at boys ng room ah. Okay lang ba 'yun sayo, Adelaide?" tanong ni Miss Eunice

"Yeah.. it's fine with me! See you later, Ves." Nagbeso muna sila at nagpunta na sa room nila. Kami naiwan na mga lalaki kasi magkakasama kami sa room.

"Oops, mag-dalawang room nalang kayo, Felip. Yung isang room, tatlo yung bed, tapos yung isang room, dalawa bed." Sabi ni Sir Hans.

Binigay ni Sir Hans kay Ken 'yung dalawang susi. May red at green iyon na palawit.

"Oh, maiba taya! Kung sino yung dalawang naiiba, sila magkasama dun sa kwarto na may dalawang higaan." Nilagay na naming lima 'yung kamay namin sa gitna at inumpisahan na 'yung laro.

--

"Jah, dito ako sa may malapit sa bintana hihiga." sabi ni Ken.

Oo. Kami ni Ken 'yung magsasarado sa kwarto, kami kasi 'yung naiiba. Habang nag-aayos siya ng gamit, tinititigan ko lang siya, ewan ba, para akong na-paralyzed sa kinatatayuan ko.

"Naandito ka ba para panoorin ako mag-ayos ng gamit?" tanong niya sabay tawa. Binato ko tuloy siya ng unan.

Ang awkward naman. Hays.

Shar's P.O.V.

Naiwan ako dito sa room namin tatlo nina Miss Eunice. Kamusta kaya si Jah sa kabilang kwarto? Natapos naman na akong ayusin yung mga gamit ko, kaya naisipan ko pumunta sa may terrace nitong kwarto namin, ang lamig pala dito, tapos ang daming mga bata na nagha-habulan sa may dalampasigan.

Alexis calling...

"Hello, 'te Alex?"

"Hi, Shashar! Where ka now?"

"Andito ako sa Olongapo, company vacation. Bakit?" tanong ko.

"Ayain sana kita mag-Mall, pero anyway kamusta naman ang E.K. niyo ni Fafi Jah?" tanong niya sa akin.

"Ayun, okay lang." Tipid kong sagot.

"Ha? Yun lang? Okay lang? Wala kang ikukwento? Hindi mo ba sasabihin na sinagot mo na siya?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot.

"Masaya naman 'yung E.K. namin. Nakita ko nga pala 'yung boss namin dun kahapon, yung sinasabi ko sa iyo noon.." Sagot ko.

"Tapos?" tanong niya.

"May narealized ako. Ayokong masira friendship namin ni Jah." sabi ko.

Narinig ko siyang pumalatak. "Nako, Shashar. Ayan ka na naman."

"Eh kasi Ate, Jah is too precious. Parang mas okay na lang na maging mag-friends kami, hindi naman ako masasaktan kung mas pipiliin ko na maging magkaibigan kami. Saka isa pa, deserve niya 'yung boss namin. Iyon naman talaga ang gusto niya, nung una pa lang." Sabi ko sabay palumbaba sa railings habang nakatitig lang sa ulap.

"Magpaparaya ka na, Shashar?" Tanong niya sa akin.

"Dahil iyun ang tama." sagot ko. Nangingilid na sa luha 'yung mata ko, ayoko umiyak dito. Ayoko marinig ni Ate Alex yung pag-iyak ko.

"Kung iyan ang desisyon mo, wala naman akong magagawa. Sabihin mo na kay Fafi Jah 'yan, as soon as possible. Mas maaga, mas okay. Alam kong maiintindihan ka niya. I-explain mo mabuti 'yang side mo." Sabi niya sa akin.

"Oo, hahanap ako ng timing mamaya. Salamat sa pagtawag mo ha?" Sabi ko.

"Ayos lang 'yan, Shashar! Ingat ka jan and mag-enjoy ka sa vacation niyo!"

"Sige bye!" Matapos kong pindutin 'yung end call. Pumasok na uli ako sa kwarto namin, habang inaayos ko 'yung gamit ko sa bag, bigla nalang pumatak yung luha ko, hanggang sa hindi ko na mapigilan na umiyak. Nang makarinig ako ng katok, dali-dali kong pinunasan mata ko at inayos ang sarili para hindi mahalata na nag-emote ako.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon