27

524 26 3
                                    

Paglabas ko ng CR, nakita ko na si Ken na nagaantay sa akin sa labas ng boutique, napansin ko na rin yung paper bag na hawak niya, mukhang may nabili na nga siya.

"Saan mo gusto kumain?" tanong niya sa akin.

"Kahit saan." sagot ko.

"Huh? May ganon bang kainan? Kahit saan?"

"Ikaw na bahala! Okay naman ako kahit saan eh." sagot ko.

Naandito na kami sa Army Navy, nung kumakain kami, kinuwento niya sa akin na may event na gaganapin next month at The Focus ang magho-host ng event.

"Kaya I need your manpower next month, at ikaw huwag ka magtangka na maging tamad kasi kahit love kita, kaya kitang patalsikin." pagbabanta niya sa akin.

"Ay ganon ba? Plano ko pa naman umabsent sa work ng 3 days in a week kasi para sa thesis namin." sabi ko sa kanya.

"Talaga ba? Ano 'yan, by group?" tanong niya.

"Oo, hahahaha kasama ko sina Kim, Giselle-"

"Giselle, huh."

"Nagseselos ka ba, Ken?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot, kaya natawa ako sa kanya. Bigla na rin siyang tumawa kasi ginagaya ko rin 'yung way ng pagkasabi ng "Giselle, huh" niya.

"Hindi naman sa nagseselos, 1/2 lang naman. Bagay kasi kayo eh." sabi ni Ken.

"Ewan ko sa'yo, masyado mo sinasaktan sarili mo. Anyway, may nabili ka pala sa boutique kanina?" tanong ko.

"Ay oo, tignan mo 'to Jah. Sa tingin mo ba magugustuhan 'yan ng pagbibigyan ko?" Inabot niya sa akin 'yung paperbag, patingin ko sa laman, nakita ko yung sweatshirt na nagustuhan ko.

"Uy ang ganda. Alam mo ba gusto ko 'yung design nito, pusa kasi eh. Kanino mo 'to ireregalo?" tanong ko.

He leaned forward and bigla niya ako binulungan.

"It's for you."

"Weh, 'di nga?" tanong ko.

"Oo nga! Kaya nga kita inaya doon eh, nung tinitignan mo 'yan, nakatuban ko na gusto mo 'yan, inaantay ko lang na may hawakan ka doon na mga sweatshirts, eh halos di ka na maalis sa pwesto mo doon, buti na lang nag-CR ka, kung hindi baka hindi ko 'yan mabili."

Tinap ko 'yung balikat niya, at nagpasalamat ako sa kanya. Kung official na 'kami', yayakapin ko sana siya. Ahe!

Pagtapos namin kumain, nag-ikot ikot muna kami sa mall, at lumabas din kasi balak namin maglakad-lakad sa may labas ng mall. Sobrang dami ng tao ngayon, bakasyon din kasi eh.

"Picture tayo dito!" Dito kasi 'yung may malaking ferris wheel, eh ayoko naman sumakay kasi natatakot ako kaya inaya ko na lang siya mag-picture. Suot ko na rin yung sweatshirt na binili niya para sa akin.

Bumili si Ken ng Corndog sa isang stall, kaya naupo muna ako dun sa bench. Grabe, hindi ko talaga ineexpect na magkakatagpo kami ni Ken, tapos ngayon ganito na kami. Tinignan ko rin yung mga pictures namin, kating-kati na ako i-upload, pero next time na lang siguro.

"Hey, ang lalim naman ng iniisip mo." sabi niya sa akin at saka inabot 'yung binili niya.

"Wala lang, may naisip lang ako. Thank you dito!"

Natahimik kami ng ilang minuto, buti na lang din naka-jacket ako, sobrang lamig kasi eh. Sabagay, ber-months na rin.

"Saan kayo gagawa ng thesis?" bigla niyang tanong sa akin.

"Uhm, sa SDA, or baka mag overnight kami. Bakit pala?" tanong ko.

"Baka lang may kailangan kayo ganon, I'm one chat away, Jah."

I rejected his offer. Madami na ngang ganap sa The Focus, ayaw ko lang siya mahirapan.

"Dalhan ko lang kayo ng foods, ano ka ba. Pwede ko rin naman utusan pinsan ko na siya magdala sa building niyo kasi Benildean din siya."

"Ay ganon ba, sige ikaw bahala!"

"Oo nga pala Jah. I want to ask you something."

"Ano 'yon?"

"I want to-" Naputol 'yung sasabihin niya ng may tumawag sa kanya. Tumayo siya at sumandal dun sa batuhan sa likuran ng inuupuan naming bench. Matapos ng phone call, tumakbo siya at mabilis niya kinuha 'yung mga gamit namin at hinila ako patayo.

"It's Dad." sabi niya.

"What about him?" tanong ko.

"He wants to see me."

Gusto ko pa sana itanong sa kanya yung itatanong niya para sa akin pero may next time pa naman para doon. Sa ngayon, he needs to go there at the hospital.

"Ken, are you okay? Gusto mo ako na lang mag-drive?"

"No Jah. I'm fine. Sorry kung nabitin kita. I'll tell you about it next time."

Mabilis lang 'yung biyahe namin. Bigla ako kinabahan, sa pagkakaalala ko, nasa ospital pa rin 'yung Dad niya until now.

Ken's P.O.V.

Pagkarating ko sa ospital, dumiretso agad ako sa room ni Dad.

"Hi, Felip." bati sa akin ni Dad.

Niyakap ko siya. Napansin ko rin na may bisita siya, si Mr. Mizuno, tapos may kasama iyong babae na kasing edad ko lang.

"Kobanwa, Mizuno-san." bati ko sa kanya.

"It's already late. Don't forget our deal, Mr. Suson."

Pagkaalis nila, tinanong ko na agad si Dad. Parang iba kasi nafefeel ko eh.

"Dad, bakit andito sila?"

"Felip. Listen to me. Lahat ng ito ay para sa kumpanya." sabi niya sa akin.

"You will be having an arranged marriage to his daughter, Saiko."

"What the hell? Dad, na-ospital lang kayo ng ilang buwan, ipapakasal niyo ako sa iba? Why me? Andiyan naman si Kuya." napahilamos na lang ako ng mukha. I can't belive this! Plano ko pa naman na ligawan si Jah!

"Kasi ikaw ang may hawak ng pwesto ko! Just think about it, kung mapangasawa mo si Saiko, gaganda reputation ng The Focus. Marami tayong offers in the near future. Para sa iyo rin 'yan. Malaki din ang share nila sa kumpanya natin." sabi niya.

Sa gigil ko, hinagis ko 'yung unan na nakalagay sa paanan niya. I can't believe this.

"Reputasyon ng kumpanya? Paano naman ako? Yung kasiyahan ko? Sawang-sawa na ako sa pangingialam niyo sa buhay ko. Iniisip niyo ang company, tapos paano ako?"

Habang nagsasalita ako, biglang hinawakan ni Dad 'yung dibdib niya at nahihirapan raw siya huminga. Napatawag ako ng nurse. Nang makapasok na 'yung nurse at doctor sa room ni Dad, lumabas muna ako naupo.

Napapikit na lang ako habang nakaupo sa sahig. Hindi ko alam gagawin ko. Naguguluhan na ako. Akala ko pa naman magiging okay na ang lahat.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon