14

627 27 6
                                    

Isang buwan na rin pala ang nakakalipas nung umamin sa’kin si Shar. Normal lang naman ‘yung trato namin sa isa’t-isa ni Shar, nag-uusap kami, magka-chat, minsan magka-call at kung minsan hinahatid ko siya sa sakayan o minsan pag mahaba pa oras, hinahatid ko siya sa kanila.

Jah. Ano pa kaya pwede natin gawin para mas makilala pa natin isa’t-isa?” tanong niya sa’kin habang kumakain ng adobo.

Ano nga ba. Date ba?” namula naman si Shar nung sinabi ko ‘yon. Since same lang naman kami ng oras ng uwi mamaya, kung matutuloy eh di ayos lang.

Yon! Lovebirds!! Date niyo mamaya? May alam akong kainan!” bungad bigla ni Sir Vester habang bitbit ‘yung tray ng pagkain.

Dun sa ano, sa may Town Center! One jeep away lang dito sa building. Maraming kainan don, hanggang 9PM lang bukas nila. Makakahabol pa kayo.” Habang nagkukwento si Sir Vester tungkol dun sa mga kainan sa Town Center na sinasabi niya, sinenyasan ako ni Shar na babalik na agad siya sa office kasi sinisingit niya rin ‘yung project nila sa school.

Kayo na ba?” tanong sa’kin ni Sir Vester. “Hindi po, Sir! Ano… M.U. ganon.” Nahihiya kong sabi.

Talaga? Kaya pala sabi ni JC sa’kin, lagi niya kayo nakikitang magkasama lagi, nakita rin niya kayo ng nakaraang gabi na hinatid mo siya sa sakayan ng Jeep.” Natawa nalang ako, may nakakakita rin pala samin. Si Ken kaya nakikita na magkasama kami?

Oo nga pala, makita man niya na magkasama kami ni Shar, wala lang naman ‘yun sa kanya.

6 PM na, sabay kami nag-out ni Shar, inantay ko muna siya saglit sa may labas ng CR ng babae kasi mag-aayos lang daw siya. Hindi ko yata nakita si Ken buong maghapon? Nasa Pinas kaya yun?

Tara na.” Habang nag-aabang kami ng masasakyan, hindi ako mapakali. First ever date ko ‘to na kasama ko babae at may M.U. pa kaming label sa isa’t-isa. Nanlalamig mga kamay ko. Baka hindi ako maka-order mamaya. JOKE.

Pero, nagtataka ako kung bakit wala si Ken sa office kanina, mukhang hindi naman siya nangibang bansa kasi bukas yung ilaw ng office niya, pero hanggang sa pumasok at mag-uwian, ni hindi ko siya nakitang lumabas ng office niya. Sa kaiisip ko, hindi ko na namalayan na nasa harapan na pala namin ‘yung jeep na pinara ni Shar. Ano ba Jah, si Shar kasama mo dapat hindi mo isipin si Ken.

Nakarating na kami ng Town Center. Ganito pala dito? Kadalasan din kasi ng get-together naming magkaka-klase, sa Mall lang punta namin eh.

Shar, saan mo gusto kumain?” Sinabi niya dun daw sa Bon Chon. Nang maka-order na ako ng pagkain, kumain na kami.  Naguusap kami tungkol sa mga projects namin sa school.

Hanggang sa may matanaw ako sa may bandang likuran ni Shar na lalaki na medyo familiar yung built. Si Ken kaya yun? Pero mukhang hindi naman siya magbibihis ng parang sasayaw kasama ang Streetboys o Maneuvers, so baka hindi nga siya yun.

KEN's POV

Tangina.

Late ako nagising. 8:45 AM na ako nakagising. Pinagpuyatan ko kasi ‘yung ibang episodes ng Bleach na hindi ko pa napapanood. Nagmadali na ako mag-shower at saktong 9 am, nasa parking na ako. Pagbukas ko ng kotse ko, nandoon pa ‘yung binili ko sa boutique sa Alabang ng nakaraan. Dahil nagmamadali na ako, hinayaan ko nalang.

Puro mura na nasasabi ko sa utak ko kasi bukod sa ire-review ko pa mga nakuha kong files, medyo bangag pa ako. Dumaan na ako sa backdoor ng office para hindi na nila ako makitang pumasok nang late. Pagbukas ko ng backdoor, nagkasalubong kami ni Ma’am Eunice.

Late. Mr. Suson.” Sabay palatak pero nakangiti sa’kin. Bwiset kasi, dapat nung nasa Milan ako nung pinanood ko ‘tong Bleach. Pagbukas ko ng pintuan sa office ko, bukas ‘yung ilaw. Hindi ko yata napatay kagabi, kaasar. Paglagay ko ng coat ko sa may sofa, binasa ko na ‘yung mga files at mga reports galing ibang department. Hindi ko na namamalayang napipikit na pala ako habang nagbabasa, hanggang sa nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako nung naririnig kong may kumakatok sa pintuan, bigla tuloy ako napatayo at hindi ko inayos buhok ko.

Mr. Suson, eto ‘yung invitation na pinabibigay ng PMA (PH Magazine Association) sa’yo. By the way, as far as I remember, office ‘to at hindi tulugan. Fix yourself in the bathroom, buti na lang ako ‘yung kumatok at hindi kung sino.” Sabi niya sabay sarado ng pintuan. Ito ‘yung Fashion Night, tapos mga Lakambini ng Pinas 2020 ‘yung mga kasali. Nilagay ko sa pocket ng coat ko ‘yung invitation sabay lumabas para pumunta sa rest-room para maghilamos.

Pagdating ko ng CR, naririnig ko na may nag-uusap, papasok na sana ako nung narinig ko na ang pinaguusapan ay si Jah. Tinig ni Vester at ni Santos ang naririnig ko.

HAHAHA Gagi, magde-date M.U. pala sila ni Shar.” Sabi ni Stell.

SERYOSO!? Ayos ah.” Sagot ni JC.

Ha? Mag-M.U. na pala sila?

Sa Town Center sila magde-date, sabi ko maganda dun eh.” Sabi ni Stell.

Dinidiinan ko ‘yung sarili ko sa pintuan ng CR para marinig ‘yung usapan nila ng biglang bumukas ‘yung pintuan at natumba ako sa sahig. Tinayo naman ako nung dalawa.

Kanina pa kayo Sir?” tanong ni JC.

Ah hindi ah. M-may nahulog. Oo! Yung piercing ko nahulog, kaya nasandal ako sa pintuan. Sige, pasok na ako.” Pagkapasok ko naman sa CR, bigla ako nag-lock at binuksan ‘yung faucet.

Bakit ba sobrang affected ako?
Parte lang ‘to ng ka-bangagan ko. Pagtapos ko maghilamos, bumalik na ako ng office ko at tinuloy yung mga pending tasks ko.

Tumunog ‘yung orasan ko sa office. 5:30 na ng hapon. 30 minutes na lang tapos na naman ‘yung araw. Makakanood na ako ng anime. Habang nag-aayos ako ng gamit, biglang nag-flashback sa’kin ‘yung usapang narinig ko. Napatulala na naman ako sa bintana ng office ko. Nagtatalo sa isipan ko kung uuwi na ba ako para manood ng anime o sundan si Jah sa Town Center.

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ba ako nagkakaganito. Nung unang beses na nagkaganito ako, ‘yung may sakit siya. Ngayon, itong nalaman ko na M.U. pala sila ni San Pedro.

Bakit ba ganito?!

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon