39

493 26 7
                                    

"Sagutin mo na 'yan. Ako na bahala sa Gulp mo dito, kaya ko 'to ubusin."

Jah: Hello po?
<Unregistered Number>: Hi! This is Dee! Pinsan ni Sir Felip niyo.
Jah: Oh! Hello, how did you get my number?
Dee: Huwag mo ng alamin kung paano, but can we meet tomorrow, sa labas ng SDA ng bandang 1PM? I have something to give kasi.
Jah: Tamang tama, dismissal namin 'yan. Text mo na lang ako ha.
Dee: Sure! Sige, bye!

Pagkatapos ko ibaba 'yung phone. Napaisip ako kung anong ibibigay niya. Wedding invitation kaya 'yun?

"Oh, sino daw 'yun?" tanong ni Shar. This time, kinakain na niya 'yung noodles na binili ko rin.

"Si Dee, 'yung pinsan ni Ken."

"Bakit daw?" tanong niya.

"May ibibigay daw sa akin eh, magkikita kami bukas sa SDA. Tapos ka na ba? Tara uwi na tayo, mag-9:30 na."

Nang makauwi ako, inistalk ko 'yung twitter ni Ken. Nag-retweet lang siya ng scene sa isang anime, 'yun lang 'yung recent tweet niya. Ganon din sa FB niya, puro shared posts lang din. Kamusta kaya si Ken? Isang araw lang siya nawala sa office, pero namimiss ko na agad siya. Miss din niya kaya ako?

Pagpasok ko ng kwarto, naghanap ako ng damit na isusuot ko bukas sa school. Casual lang naman sinusuot ko pero parang gusto ko maglongsleeve bukas. Hindi ko ba alam. Sana naandito 'yung longsleeve ko sa drawer.

"Jah. Tara, MoA tayo!" Aya ng mga kaklase ko sa akin.

"Next time na lang, may iintayin pa ako eh. Ingat kayo!"

Andito na ako sa labas ng SDA para intayin si Dee. Maya-maya lang, natanaw ko na siya, sinenyasan niya ako kaya ako na lumapit sa kanya. Napagkasunduan namin na kumain muna sa Jollibee.

"Magaling na kamay mo?" tanong niya.

"Oo naman! Naghihilom naman na. Pero, ano pala 'yung ibibigay mo?"

Nilabas niya sa bag niya 'yung maliit na green na envelope, pagkaabot niya sa akin, binuksan ko na agad.

"Family Dinner?" tanong ko.

"May family dinner kami mamaya, Jah. Kasama sina Kuya Felip at family ni Saiko. Hindi ako pupunta kaya sa iyo ko naisipan ibigay 'yang invitation. You need to go there, Jah. Kuya needs you." nagmamakaawa niyang sabi sa akin.

"Wait, saglit. Bakit kailangan ko pumunta? Nakakahiya kung ire-reject ako ni Ken sa harap ng pamilya niya, at ni Saiko-san. Sorry, hindi ko matatanggap 'yan, Dee."

"Please. Pumunta ka mamaya. Gusto mo bawiin si Kuya, diba? Fight for him. Alam ko na inalok ka ni Tito ng milyon para layuan si Kuya, but Kuya doesn't know about it." sagot niya sa akin.

Pagkarating ko ng office, hinanap ko agad si Shar. Pero hindi ko siya nakita agad. Nagulat ako kasi ang dami kong ieedit. Patong-patong sila sa desk ko.

"Jah. Ano nang nangyari? Ano napagusapan niyo?" Dahil busy ako, inutos ko na kunin niya yung invitation sa bag ko.

"Dinner? Family dinner?" tanong ni Shar.

"Oo, Shar. Si Dee may bigay sa akin niyan, 'yung pinsan ni Ken. Gusto niya akong papuntahin doon mamaya. Hindi ko alam-"

"Ano pa inaantay mo? Go ka na! 7:30 naman 'yung dinner. 7:00 naman labas natin dito, samahan pa kita eh. Diba gusto mo ipaglaban si Sir? Ito na 'yun, Jah. Ito na 'yung right time. Andoon lahat sila, pamilya ni Sir, at ni Miss Saiko. Naka-longsleeve ka naman ngayon, mukha ka pa ring formal."

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon