Special Chapter 3 (Final)

520 24 5
                                    

Pauwi na si Ken ngayon galing ibang bansa. Nagaayos na lang ako dito sa bahay namin, nagluto kasi ako ng mga pagkain. Tatlong taon na kaming nagli-live in ni Ken, minsan nakakalungkot lang kasi pag nasa ibang bansa siya, ako lang mag-isa. Wala ako makausap man lang.

Nang marinig ko yung doorbell, kumaripas na agad ng takbo para pagbuksan siya pinto.

"Love, I miss you." yumakap agad si Ken sa akin.

"Namiss din kita, Love. Akin na yung maleta mo, ako na magbibitbit." kukunin ko na sana yung handle ng maleta pero bigla niya pinitik kamay ko.

"Ako na dito, Love." nauna siya pumasok sa akin. Inayos ko na lang din yung sapatos niya sa gilid.

Medyo tahimik siya ngayon, pero baka pagod lang siya. Tinignan ko siya nang makalabas siya sa CR. Ningitian lang niya ako.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya pagtapos namin kumain ng dinner.

"Wala naman, bakit?" pagkatanong niya sa akin, lumapit siya sa tabi ko.

"Parang kakaiba kilos mo eh. Medyo nabo-bother ako." sagot ko.

"Love, ayos lang ako. Huwag ka mag-alala."
Sabay namin niligpit yung mga pinagkainan namin. Siya naman, nagmadali papasok sa kwarto. Nang makatapos ako maghugas ng pinggan, pumunta na ako sa sala para manood ng TV. Maya-maya, may braso na pumulupot sa bewang ko.

"Love. Diba Anniversary natin ng nakaraan? May regalo ako sa'yo." sabi niya.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Pikit ka muna. Huwag kang didilat. Susundutin ko mata mo sige." pagbabanta ni Ken. Dahil utu-uto ako, sinunod ko naman siya. Narinig ko na nagbukas siya ng pinto, sabay sinara ulit.

"Huwag mo ididilat mata mo ha." Pagkatapos niya sabihin 'yon, kinuha niya kamay ko at ipinasok sa kung anong butas 'yon. May nakakapa ako na parang may gumagalaw.

"Ken!? Ano 'to?!" sabi ko. Nakapikit pa rin ako kaya hindi ko talaga alam yung nakakapa ko.
Narinig ko siyang tumawa at inalis din niya kamay ko agad. Pinadilat na rin niya ako.

"Alam ko na nalulungkot ka mag-isa, lalo na't kung may ganap ako sa ibang bansa. Syempre gusto ko na kahit wala ako dito, may nakakausap ka pa rin, may nakakalaro, ganon." sabi niya.

"Tapos?" sagot ko.

"Kaya naisipan ko na mag-adopt."

"A-ano inadopt mo?" tanong ko. Tinuro niya sa akin yung kahon kung saan ko pinasok yung kamay ko.

Pagbukas ko ng kahon, napaiyak ako nang may biglang...

"Meowu.."

"Nag-adopt ka ng pusa?" sabi ko habang naiiyak. Binuhat ko yung itim na kuting na may damit na kulay pula.

"Oo, Jah. Gusto mo ng pusa diba? Kaya nung sinabihan ako ng kaibigan ko na may pusa siya na hinahanapan niya ng pwedeng mag-alaga, ako na agad nag-presinta. Siya yung nasa maleta ko kanina, kaya hindi ko pinahawak sayo kasi baka biglang mag-meow. Kaya panay punta ako sa kwarto kasi dun ko siya iniwan, baka masira surprise ko pati."

"Thank you, Ken. Matagal ko na talagang gusto mag-alaga ng pusa. Ano pala pangalan niya?" tanong ko.

"Ano, Kuro pinangalan ko sa kanya eh. Kasi black siya. Lalaki din 'yan. Pogi ng pangalan diba? Kasi pogi din dada niya."

"Hi, Kuro~" tawag ko sa kanya. Agad naman lumapit si Kuro sa akin at humiga bigla sa paa ko. Mana kay Ken, clingy.

"Thank you, Ken." sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Sorry kung napapadalas akong wala ha. Babawi ako sayo sa linggo, ipasyal natin si Kuro sa playground." sagot niya sabay halik sa noo ko.

Simula non, hindi na ako mag-isa tuwing wala si Ken. Para na naming anak si Kuro. Marinig niya palang yung pagbukas ng pintuan, kakaripas na agad siya ng takbo para salubungin ako. Pero mas clingy naman siya kay Ken kasi kahit saan siya magpunta, sinusundan siya ni Kuro.

Ganito pala feeling kapag may alaga ka no, hindi mo mafefeel na mag-isa ka, saka para na talaga namin siyang anak ni Ken kasi kahit sa pagtulog, gumi-gitna pa siya sa amin. Ang saya naman mabuhay ng may Ken at Kuro ako. Ilang taon na rin kami ni Ken, at siguro deserve na namin talaga na magkaroon ng Kuro sa buhay namin.

4 years later..

"Tingin lang po kayo sa camera ha?" sabi sa amin nung photographer.

"Teka, si Kuro, ang kislot." reklamo ni Ken.

"Dada, akin na Kuro."

"Aba, mukhang may bago ng favorite na si Kuro. Hindi na ako." sabi ni Ken.

"Saoirse, baby, tingin ka sa camera ha, hold mo si Kuro ng mahigpit, okay?"

"Yes, Papa!"

"Okay, ito na ha, 1-2-3, say cheese!"

Dito na natatapos ang kwento namin ni Ken. Marami man kaming napagdaanan pero naandito pa rin kami, magkasamang hinaharap ang buhay kasama si Kuro, na pusa naming magulo, at si Saoirse, ang cute naming anak.

--

Thank you sa pagtangkilik nitong AU ko. Tapos na po! Sana magustuhan niyo yung ending.

Share niyo naman sa akin thoughts niyo pagkatapos niyo mabasa 'tong book.

Plug ko na rin yung on-going KenTin AU ko, which is yung "Perfect Fit".

Thank you, everyone!! 🖤💚

- Maria.
@JUSTINgineer_

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon