"Sawing Pag-ibig"
Sa tuwing nag-iisa ikaw'ng naaalala,
Mukha mong kayganda nasa isip tuwina.
Mga ngiting kay tamis di mabura,
Sa isip, puso at sa diwa.
Mga alaalang nakatatak sa puso,
Nangangakong pagsuyo'y di guguho.
Magpakailan man ikaw lang at ako,
Sumpang habambuhay nakatatak sa bato.
Ngunit bakit damdami'y biglang nawala?
Isang malakas na ulang biglang tumila.
Ang dating makulay, ngayon ay maputla,
Pag-iibigang wagas di ko na makita.
Dumating ang panahong 'di ko inaasahan,
Tuluyang nawala ang pagmamahalan.
Umalis ka ng 'di man lang nagpapaalam,
Iniwang mag-isa ang pusong luhaan.
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.