"Babae Tayo"
Hindi ko alam kung bakit nahulog,
Ang puso kong pihika'y biglang na-alog.
Dati nama'y matino, bakit naging kalog?
Puso ko ata ay biglang nauntog?
Ika nga nila, "Kapag tumibok ang puso,
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito."
Ngunit 'di ko alam kung ba't nagkaganito,
Ako'y umiibig sa babaeng tulad ko.
Nais kong laging hawak ang kamay mo,
Iba ang nadarama tuwing magkasama tayo,
Mali man sa paningin ng lahat ng tao,
Mahal kita kahit Babae Tayo.
May pinsan kasi ako na may ganitong situation and I just made it for her. Anyways, if you have any reactions regarding my poems please don't hesitate to comment it below.
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoesíaThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.