"Pasko!"
Pasko nanaman, O! kay tulin ng araw
Yan ang naririnig sa ganitong mga araw
Kung saan pag-ibig ang nangingibabaw
Yan dapat ang nag-iisang ating pananaw
Teka! Teka! Alam nga ba ang halaga
Ng salitang Paskong sinasabi nila?
O ang makatanggap ng regalo ba
Ang tunay na ipinagdiriwang na diwa?
Pasko ang araw na isinilang
Ang hari na Diyos ang may lalang
Ang pinagpala mula bata pa lang
Ang Diyos na ipinako ng mga hunghang.
Siya ang Diyos na Mahabagin
Mapagmahal at Maunawain
Pagmamahal niya sa iyo'y walang hangganan
Kahit siya ay ikahiya mo't talikuran
Siya ang Kaibigang tunay kung magmahal
Bukod pa sa malalaking tigyawat mo sa katawan
Hinding-hindi ka rin niya iiwan
Umabot man ng ilang taon o magpakailan man.
Pag-ibig ang nais niyang ipalaganap
Sa atin na anak niyang ganap
Kaya ibigin mo ang iyong kaharap
Upang Pag-ibig ay lumaganap.
Pag-ibig ang iyong i-regalo
Sa mga dating mong katoto
Matutong magpatawad ng totoo
Dahil pagpapatawad at pag-ibig ang tunay na diwa ng pasko
NOTE :
Merry Christmas po sa lahat! Eto po yung gift ko sa inyo!
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.