"BuKo"
Langit at lupa man ang layo natin,
Pagmamahala'y damang-dama pa rin.
Kilo-kilometro man ang distanya natin,
Ang Buhay Ko ay ikaw pa rin.
Ilang dagat man ang dapat languyin,
Ilang kalsada man ang lalakarin,
Gaano man kataas ang liliparin,
Puso't diwa ko, sa iyo nakahimbing.
Lahat ng sasabihi'y, ukitin sa puso,
Mahal kita kahit gaano man tayo kalayo,
Tiwala lang sa pag-ibig na alay ko,
Laging iisiping ikaw ang Buhay Ko.
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.