"Takot"
Ako yung taong walang kinakatakutan
Haharapin ko kahit ano mang laban
Hindi ako takot sa kung ano pa man
Kahit nga mismo ang aking kamatayan.
Ngunit bigla-biglang nag-iba ang lahat
Sa bilis ng pangyayaring nakakagulat.
Dibdib kong ito ay bigla nang bumigat
Kumakabog-kabog na di ko maawat.
Doon napagtantong umiibig na pala
Ang puso kong manhid at hindi naaawa
Kaya sa unang pagkakatao'y natakot bigla
Na ang tanging iniirog ay mawala.
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.