"Titig"
Dahil sa porma mong sobrang napaka-astig
Mga mata ko'y di mapigilang tumitig.
Ika'y tanaw saan mang lupalop ng daigdig.
Ngunit di pa rin pansin malagkit kong titig.
Wari nanghihina tuwing hawak ang kamay.
Mukha nama'y nagiging pula ang kulay.
Laging nababato kapag ikaw'ng kasabay
Sa paglalakad pauwi sa 'ming bahay.
Laging ninanais ang iyong atensyon
Umaga, tanghali maski sa dapithapon.
Ang aking mga titig na sa iyo nakatuon,
Umaasang mapansin kahit di man ngayon.
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.