"Tunay na Katoto"
Sa tuwi-tuwina ikaw ang kasama,
Sa loob man o labas ng eskwela.
Sa tuwing umiiyak ay nariyan ka,
Ang iyong pagmamahal ipinadarama.
Saya o lungkot na bahagi na buhay,
Ikaw ay laging nariyan upang dumamay.
Katoto sa mundo kong napakakulay
Katotong sumusuporta ng walang humpay.
Kaya katoto laging pakatandaan,
Ating pagkakaibiga'y aalagaan.
Ipinapangakong di kakaligtaan,
Bigyan man nila ako ng ilang daan.
Kung ako'y papipiliin kung alin sa tatlo,
Popularidad, Ikaw o mga ginto,
Sasagot ako ng nakataas noo,
Pipilii'y ikaw tunay na katoto.
Note:
Dedicated sa kanya kasi ang kulit ng conversation namin sa TGWCBM! :) thank you sa pagbabasa nun Samielala
Dictionary: "Katoto" means Kaibigan / Friend
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.