"Ngiti"
Lalalala lala lalalalala o! Kay ganda ng bawat umaga
Kung sa araw-araw, iyong ngiti aking nakikita
Pulot-pukyutan kung aking ikukumpara
Nilalanggam sa tamis tuwing umaga
Nasisilaw ang aking lapastangang mata
Sa ilang beses na pagtitig tuwing nakikita kita
Puso'y nagagalak kapag andiyan ka
Ngunit naninigas naman kapag kaharap na
Magkabilang mundo ang ating eksena
Di mo ako kilala at ayaw ko rin namang magpakilala
Nasa iisang kolehiyo ngunit tila malayo ka
Pero ayos lang, isang ngiti galing sa iyo ayos na
Ako'y hindi despirado na maging tayo
Ang tanging nais ko lang naman ay ngitian mo
Ninanais kong maging kaibigan mo
Kahit hanggang dun lang muna, ayos na ako.
note:
Dedicated for my College crush. I made it after nung first time na nginitian niya ko haha.
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.