"DugDug"
Dugdug dugdug, ano ang ingay na iyon?
Na halos ikabingi ko ang lakas n'on.
Abnormal ba ako't tumatalon-talon
Ang puso kong sobrang sarap itapon?
Sa tuwing dumadaan sa aking harap
Di ko alam kung ba't sa paghinga'y hirap
Parang isang "drum" na hindi kumukurap
Sa bilis ng pagtatambol na parang rap.
Di makapagsalita tuwing kaharap ka
Na animo'y umuurong aking dila
Sa bawat kilos mo'y napapangiti bigla
Puso ko ay tumitibok nang kusa.
Kulang ang araw pag di ka nakikita
Di alam kung bakit nagsusungit bigla.
Laging nalulungkot at namumutla
Tuwing masaya ka na kasama niya.

BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.