"Isang sayaw"
Isang gabing napaka-espesyal
Isang gabi para sa mga nagmamahal
Animo'y para lang sa mga sosyal
Ngunit ito ay bahagi ng isang pagtatanghal
Sa ganitong lugar aking pinangarap
Na makasama ka't makaharap
Masabi sa iyo ang nag-iisang pangarap
Ang makasayaw ka na sana'y maganap.
Iisang awit, iisang sayaw
Iisang langit at iisang layaw.
Minimithi ko sa ilalim ng kumikislap na ilaw
Na balang araw sa minimithi ay di umayaw.
Isang simpleng romantikong sayaw
Ang ialay mo sa akin bago pumanaw
Ang aking katawang lupa dito sa ibabaw
Upang punuan ang kasiyahang walang kasing babaw.
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoëzieThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.
