"Panakip Butas"
Nasaktan ka nang dahil sa ginawa niya
Inibig, pinatawa at minahal mo siya.
Pero pinagtaksilan at pinaasa lang pala
Ang puso mong agad nagtiwala.
Isang kaibigan ang agad na lumapit
Upang ika'y kausapin at libangin
Para kahit kaunti ay iyong maiwaglit
Ang sakit na nararamdaman sa dibdib.
Itong kaibigang ito ay may nililihim
Patago ka pala niyang hinihiling
Na balang araw ay iyong mahalin
Kaya pinaplanong ika'y suyuin.
Nagkaroon ng pagkakataong nagtapat siya
Sa iyo ng tunay niyang nadarama
At nang dahil sa nasaktan, ay nagdesisyon ka
Na pagbigyan siya upang maka-move on na.
Naging masaya si kaibigan kahit plastikan
Dahil alam niyang ito'y panandalian
Pagmamahalang isa lang ang lumalaban.
Panakip Butas tuloy ang kinahinatnan.
God Bless!
-Pnuemonae
![](https://img.wattpad.com/cover/3555679-288-k857433.jpg)
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.