"Babae"
Lahat ng babae ay dapat galangin,
Alagaan, patawanin, at mahalin.
Lahat ng babae ay wag paluhain,
Dahil mahihirapan kana siyang suyuin.
Ang mga babae'y madaling magpatawad,
Isang "sorry" lang ng lalake bumibigay agad.
Laging kaligayahan ng iba ang hinahangad,
Kahit sarili pa nito ang mahamak.
Ugali ng mga babae ang magselos.
Kahit na minsan sila'y padalos-dalos,
Ang kanyang pagseselos ay isang kilos,
Na nagpapakitang mahal kaniyang lubos.
Lahat ng mga babae ay sobrang madamot,
Lalo na sa babaeng laging humaharot,
Sa kanilang tanging lalakeng iniirog.
Di siya nagbabahagi sa mga haliparot.
Ang mga babae ay mahilig magpakipot.
Laging tumatanggi at nakasimangot.
Gusto niyang lagi kang nakabuntot,
Dahil ang mawala ka'y kanyang takot.
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoesíaThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.