"Mr. Sensi"
Ay! Ewan! Hindi ko maintindihan
Kung bakit ako laging nasisiyahan
Sa tuwing ikaw ay nakikitang nasasaktan
Sa mga kurot na lambing sa aking pamamaraan
Kahit na araw-araw inaasar mo ko
Atleast di ba napapansin mo ako?
Kahit na may pagkabrutal ang mga ganti ko
Lambing ko lang yun, sana intindihin mo
Isa kasi akong tunay na babae
Pangit naman kung papangunahan ko ang lalake
Kaya quiet lang ako sa mga pangyayari
Baka madulas ako't marinig mo sa aking labi
Mr. Sensi bakit ang sensitive mo?
Na inLove tuloy ang puso kong yelo
Noo'y "wa' epek" ang kagwapuhan mo
Ngayo'y ang impluwensya mo'y todo-todo
Maging sa panaginip ay kasama ka
Nagkukulitan tayo't masayang-masaya
Magkahawak kamay habang nang-aasar ka
Kinikilig naman ako kaya kinukurot kita
Walang araw na hindi tayo nag-aasaran
Pwera nalang kung absent ka sa paaralan
Kapag ganoon boring sa eskwelahan
Wala ka kasi, Wala 'kong kakulitan
Nasanay na akong lagi kang andyan
Mr. Sensi wag ka nalang lumisan
Bakit kailangang magtransfer ng paaralan
Sawa at pagod na ba sa aking kakulitan?
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.