"Puso"
Kahit kailan hindi ko naintindihan
Kung bakit nagmamahal pa gayong sugatan?
Kung bakit nagpapatawad gayong luhaan?
Lumalaban pa rin kahit sobra nang nasasaktan?
Yan ang mga tanong ng makitid kong utak
Miski hulaan niya ang sagot ay 'di tumpak
Dahil hindi naman siya ang nahahamak
Kundi ang pusong mapagmahal at palpak.
Puso ang nagmamahal at hindi utak
Puso ang nakakadama hindi ang utak
Ang Puso ang nasasaktan ngunit hindi ang utak
At sa Puso lang rin ang may nabibitak
Puso ang nagpapalaya sa kahit ano man
Puso ang nagpapasaya kanino man
Puso ang nagbibigay ng kapayapaan
At Puso mo ang susi sa kaligayahan.
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.