"Crush"
Ang iyong magagandang ngiti
At mapupungay na mga mata
Lagi kong inaabangan tuwing umaga.
Sinusundan ka saan man magpunta
Kahit na lagi akong nagmumukhang tanga
Gagawin ko para lang makita ka.
Alam ko ang iyong mga gusto
Pati pangalan ng mga magulang mo
Paboritong pabango, kulay o damit alam na alam ko.
"Stalker" ang bansag nila sa akin
Lahat ng tungkol sayo ay aalamin
Miski maliliit na bagay ay pupunain.
Ang iyong ayos ay gustong gusto ko
Tindig mo palang natotorete na ako
Eh paano na kaya kapag kinausap mo ako?
Laging natatameme tuwing kaharap ka
Pakiwari'y umuurong aking dila
Kinakabahan at nauutal-utal pa.
Tuwing ngumingiti kinikilig ako
Nahuhulog ang panty ko
Sabay tulo ng laway ko.
Hindi ko alam ang aking gagawin
Mula sa malayo nalang kita tatanawin
Hanggang sa matuklasan mo ang aking lihim?
Crush kita paki-usap makinig ka
Dahil ibubulong ko sa hangin ang aking nadarama
Na crush na crush kita kahit di mo ako kilala.
Request granted. Thank you for requesting.
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.