"Pangalawang Pagkakataon"
Nagmahalan, nasaktan at nagpatawad
Ngayon sabihin mo ang dapat na igawad
Pangalawang pagkakataon o pag-awat
Sa nararamdamang hindi na dapat
Hindi na dapat dahil masasaktan lang
Hindi na dapat dahil tapos na ang lahat
Hindi na dapat dahil di rin magtatagal
Sapagkat dati'y nawala na at nawasak
Ngunit lahat ng tao ay nagbabago
Nagbabago para sa isang tao
Isang tao na importanteng totoo
Taong siyang nagnakaw ng kanyang puso
Malay mo sa pangalawang pagkakataon
Mag-iba ang bawat ihip ng panahon
Maaayos ang nawasak na relasyon
Ng pag-iibigang karapat-dapat ng pangalawang pagkakataon.
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoesiaThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.