"Isang Harana"
Isang babaeng diyosa kung sa ganda
At sa kabaita'y mala-anghel siya.
Ani nila'y walang perpektong nilikha
Kaya ang babaeng ito, saan nagmula?
Mga makikisig at mayamang binata
Sa kanilang bahay siya'y dinadagsa
Mga tsokolate at mga bulaklak nila
Laging nagpapasaya sa munting dalaga.
Sa halos di mabilang na dami nila
Ang pobreng tulad ko ay di makaporma
Kaya naman nag-isip ng istratehiya
Na idadaan nalang sa Isang Harana.
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.