"Paano kaya?"
Minsan sa isang buhay ng tao
Nagtatanong tayo sa sarili kung papaano
Paano kaya ang buhay nila kung wala ako
Mapayapa ba o tila may kulang sa kanilang mundo?
Sa tuwina ay naitatanong sa sarili ko
Na kung paano kaya kung wala ako?
Masaya kaya sila kung wala ako?
Masagana kaya ang buhay kung hindi ipinanganak ang tulad ko?
Paano kaya ang paaralan ko kung wala ako,
Masaya kaya sila kahit na wala ako?
Paano kaya ang mga kaibigan ko,
Masaya kaya kung hindi isinilang ang tulad ko?
Paano kaya ang kapatid ko,
Masaya kaya siyang walang kaagaw sa magulang ko?
Paano kaya ang pamilya ko,
Kung hindi isinilang ang batang tulad ko?
Paano kaya ang mundo,
Kung sa umpisa palang ay wala ako?
Mga katanungang mahirap bigyang sagot
Mga katanungang kalungkutan ang dulot.
Minsan ay naitanong ko sa aking kaibigan
Paano kaya ang buhay kung wala ako?
Sagot niya'y nagpasaya sa aking puso
Nagkaroon ng inspirasyon upang makuntento
Mula noon ay hindi na nagtanong
Kung paano ang buhay kung wala ako
Hindi na nag-abalang magtanong kung minamahal ako
Dahil sa alam kong panginoon ay naririto't nagmamahal ng totoo.
For those who doubt for the real reason of their existence.
God Bless!
-Pneumonae
![](https://img.wattpad.com/cover/3555679-288-k857433.jpg)
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.