"MaKo"
Magkaiba man ang ating estado,
Pagmamahal ko ay hindi maitago.
Magkasalungat man ang ating mga mundo,
Ikaw lamang ang Mahal Ko.
Kumontra man ang lahat ng tao,
Wala silang magagawa upang mabago.
Ang ating hanggang wakas na pagsuyo.
Iyan ang pakakatandaan, Mahal Ko.
Araw-araw pagsisilbihan kita.
Lahat ng iyong hiling, walang papalya.
Kahit alipinin at magmukhang tanga,
Lahat ay gagawin pagkat mahal kita.
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.