"Palimos ng Pagmamahal"
Mula sa malayo ,ikaw ay tinitingnan
Mga ngiting kayganda ay pinagmamasdan.
Araw-araw ay laging sinusulyapan
Hinihintay ang araw na ika'y mahagkan.
Dumating ang araw na pinakahihintay
Lumakas ang aking loob na dating sablay.
Inayos ang sarili at ika'y inintay
Sa hardin na puno ng mga kulay.
Mula sa malayo ay agad natanaw ko
Ang pinakamamahal ng aking puso
At agad na lumapit at tinanong ito
"Pwede bang Palimos ng Pagmamahal mo?"
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoesíaThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.