"Huling Sayaw"
Mula noon ay hindi pa nagbabago
Ang aking lihim na pagtingin sa iyo.
Pumuti na ang uwak, lumakas ang bagyo
Di kukupas ang puso ko'y iyong-iyo.
Mula noon hanggang sa magpakailan
Asahan mong pag-ibig ko ay nariyan
Mamahalin mula balat sagad sa laman
Iyan ang iyong pakatatandaan.
Ngayong gabi ay isasayaw kita
Sa "JS PROM" na tinatawag nila
Sisiguraduhin kong walang poporma
Na ibang lalakeng ninanais ka.
Nahinto ang sayaw dahil sa alingaw-ngaw
Dumilim ang lahat at di ka matanaw
Nang makita ka ang mundo ko'y nagunaw
'di inaasahang iyon ang Huling Sayaw.
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoésieThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.
