"May Pag-asa Ba Ako?"
Walang gabing hindi ka naaalala,
Umulan, bumagyo ikaw lang talaga.
Alam kong ikaw't ako ang nakatadhana
Ibunulong sa 'kin ang plano ni Bathala.
Pagmamahal ko sa iyo'y walang kapantay,
Ni hindi magbabago kahit mamatay.
Magpakailanman ako'y maghihintay
Tulad ng mga talang laging nakabantay.
Lahat ng isinaysay aking pangako
Na magpaikailanma'y hindi magbabago.
Mahal ko, lahat ng ito'y gagawin ko
Kaya ang tanong ko, May pag-asa ba ako?
God Bless!
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.