"LoKo"
Nagawa ko lahat ng dahil sa iyo.
Minahal kita ng sobra pa sa buo.
Wala akong tinira para sa sarili ko.
Ngunit bakit nagkaganto tayo, Love Ko?
Lahat ng pagsisikap ay iyong sinayang,
Iniwan mo akong walang paghinayang.
Bakit bigla-bigla kang nagpakamangmang?
Ngayon tuloy mag-isa na walang muwang.
Simula pagkabata ikaw ang kasama,
Aking karamay sa oras ng problema.
Ngunit paano na ako gayong wala ka?
Kaya Love Ko, pakiusap bumalik ka na.
-Pnuemonae
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryThis is a compilation of my poems , you can use it but please wag lang pong angkinin :) Para po ito sa mga nagmamahal, umaasa at nagdadrama.