Ang buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang.
Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng ta...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Muli nanamang bumalot ang kaba, takot at pangamba na dati nang naramdaman ng mga nakatira sa bayan na tinatawag na Zinambra.
Ang mga taong naroon ay mas pinili na mabuhay na lamang sa gitna ng kagubatan upang hindi sila masakop ninoman. Ngunit ito ngayon at nagkakagulo sila dahil may mga nakapasok na mga mananakop doon at sinusubukan silang paalisin.
Hindi nila malaman kung papaano sila natagpuan ng mga ito dahil natatabunan ang kanilang bayan ng napakalalaking puno na nagsisilbing isang napakalaking pader upang hindi sila mapansin o makita ng iba sa malayo. Kung papaikliin ay nais lamang nila ng tahimik na pamumuhay.
Nagkalat ang mga katawang wala ng buhay sa daan, natatapakan ng mga taong nagtatakbuhan paroo't parito upang maisalba ang kani-kanilang buhay, dahil kung ika'y maaabutan nila ay magiging alipin ka o ang mas malala ay bawian ka ng buhay kung wala kang kwenta.
Ang ama ng mga batang nagngangalang Ansel at Shamara ay abala sa pagpapalakas hindi lamang ng loob ng kaniyang mga anak kung hindi pati na din ang kakayahan nilang lumaban.
Kung wala ang lakas ng kanilang mga loob malamang ay wala na silang mga buhay.
Sa pamamagitan ng malilinaw na mata at malakas na pakiramdan ni Ansel ay nalalaman niya kung saan nagtatago ang mga kalaban. Malinaw ang mga mata ni Shamara, ngunit wala siyang kakayahan na gaya ng kay Ansel.
Sa edad na iyon ni Shamara ay may lakas siya ng loob na gawin ang mga bagay na dapat ang matatanda ang gumagawa, dahil iyon sa mahabang panahon na iginugol ng kaniyang ama sa pagtuturo at paghubog sa talento nilang dalawa, dati pa kasi naisip ng kanilang ama na mangyayari ang ganitong bagay kung kaya't maaga pa lamang ay ginawa na niya ang dapat.
Patuloy sa pagpana si Shamara, napupuno ng kaba ang kaniyang puso sa bawa't pagtama nito sa mga kalaban. Natatakot siyang sumablay, natatakot siyang mapahiya sa kaniyang ama kung kaya't hindi niya ininda ang pagod at pananakit ng balikat.
Kahit anong gawin niya ay nandoon pa din ang inggit sa kakayahan ng kaniyang kapatid. Ginagawa niya ang lahat upang magkaroon ng matalas na pakiramdam gaya kay Ansel, ngunit ang lahat ng ito ay walang kwenta dahil ang pinagtutuunan lamang ng kanilang ama na ituro ay ang paggamit ng iba't ibang armas.
Magaling siyang pumana at gumamit ng palaso, ngunit hindi nito maitatago na mahina siya pagdating kapag naging isip ang labanan. Ang galing naman ni Shamara ang hinihiling na magkaroon ni Ansel. Siya nga ang mas nakakatanda dito ngunit paghawak pa lang ng palaso ay nanginginig na ang kaniyang mga kamay. Napakalinaw naman ng kaniyang mga mata ngunit tila lumalabo ito sa t'wing siya'y bibitaw na, kapag naman paa at kamay lamang ang gamit ay nanlalambot na agad ang nga ito kapag nalaman niya na mayroon siyang pupwedeng masaktan.
Ang labanang ito ay pagitan ng buhay o kamatayan, itinatak iyon ni Shamara sa kaniyang isipan. Pilit niyang pinalalakas ang kaniyang loob at pinapatayo ang nanlalambot na niyang mga tuhod. Ngunit ng hindi na nakayanan ay bigla na lamang siyang natumba, mabuti't nasalo siya ni Ansel at wala nang natitira pang mga kalaban.
Ang gabing iyon natapos nang mapatay na ang lahat ng dapat patayin, ngunit ang mga luha ay hindi pa tuluyang natutuyo, ang mga sakit ay mas lalong nadagdagan at ang mga puso ay napuno ng galit. Ang kanilang mga sigaw at hikbi ang nagsilbing ingay sa gabing iyon. Hindi man nakikita ng iba gaano karami ang kanilang nailuluha ay ramdam nila ng sakit na kanilang dinaramdam.
Hindi naging sapat ang isa o dalawang araw upang tuluyang muling makabangon ang mga tao doon. Inabot sila ng mahigit dalawampung gabi para muling bumalik sa normal nilang pamumuhay, ngunit hindi na iyon tulad ng dati. Nanatiling tahimik ang mga tao doon, ang mga tingin nila'y tila nanghushusga na sa t'wing dadapo ang kanilang mga mata sa isang 'di kilalang tao na alam nilang nanggaling sa ibang bayan. Hindi katulad ng dati na ngingiti pa sila't babatiin ka.
Ang mga ingay ng tawanan na dating maririnig mo papunta ka pa lamang sa pamilihan ay biglang naglaho.
Patuloy na nagensayo sina Shamara at Ansel kasama ang kanilang ama kinabukasan matapos ang hindi malilimutang gabing iyon, ngunit sa kabila ng lahat ay walang nagbago sa kanila sila pa nga pinaka-unang bumalik sa normal.
Ang sigla ni Shamara ay naroon pa din noong magsimula silang mag-ensayo, magsisimula iyon sa madadaling sipa at suntok sa hangin at madadagdagan ng iba't ibang mga armas habang ginagawa ang mga iyon, katulad na lamang ng mabilis na pag-asinta gamit ang palaso at pana habang sumisipa sa kawalan. Sa murang pag-iisip at maliit na katawan ay nagagawa niya ang lahat ng mahihirap na bagay na iyon, kung kaya't sobra ang bilib sa kaniya ng kaniyang kapatid.
Pansin niya ang pagtitig sa kaniya ng kapatid sa t'wing gagalaw siya, kakaiba ang mga ito. Nakangiti naman ngunit tila may lungkot sa kaniyang mga mata. Nakakalito, hindi niya tuloy malaman kung alin doon ang kaniyang paniniwalaan.
Nakatitig lamang siya dito nang bigla ay may natanaw siyang isang silweta sa hindi kalayuan. Hindi nakikita ang mukha nito o ano mang bahagi ng katawan, ang tanging hugis lamang nito ang nagpaalam na isa itong tao na siyang nagpakabog ng kaniyang dibdib, tila sasabog ba ito ano mang oras dahil sa lakas ng bawa't pagpintig.
Dahil marahil sa sinag ng araw na diretsyong tumatama kung nasaan iyon kung kaya't hindi ito mapapansin kung hindi tititigan ng mabuti
Hinayaan niyang kabahan siya, hinayaan niyang naroon ang taong iyon na kung tutuusin ay kayang-kaya niyang patayin ano mang oras sa pamamagitan lamang ng isang palaso.
Hindi niya malaman kung bakit tila may pumipigil sa kaniya para gawin ang bagay na iyon. Bumilis na ang kaniyang paghinga, at lalong humihigpit ang hawak sa kaniyang pana.
Iniisip niya kung posibleng sino iyon, nang bigla ay tawagin siya ng kaniyang kapatid. Nahinto ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso, nawala ang takot at naging normal na ang kaniyang paghinga nang makita niya ang kaniyang buong pamilya na mayroong magandang ngiti at inaanyayahan siyang kumain.