Kabanata 6

10 2 0
                                    

Pinatuloy niya kami sa kaniyang tahanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinatuloy niya kami sa kaniyang tahanan. Ang loob nito ay lalong nakapagpamangha sa akin, hindi lamang kasi ito malaki, kung hindi napakadami ding gamit na halatang mamahalin. Kung kaya't noong maka-upo ako sa kung saan kami nito inihatid ay para akong isang estatwa na hindi gumagalaw dahil natatakot akong makasira.

"Nasaan ang bangkay ng dalawa?" Diretsyong sabi ng aking ama sa sandaling nakapasok kami. Naupo ang ale sa harap namin.

Iritado niyang tinignan ang aking ama 'tsaka malalim na bumuntong hininga. Ang kaniyang mga mata ay walang kasing lamig.

"Naroon," itinuro niya ang hindi kalayuang pinto sa kaniyang likod.

Walang paalam na tumayo ang aking ama at naglakad patungo doon. Ako ang gustong manghingi ng paumanhin para sa kaniyang ginawa.

Bubuksan na niya dapat ang pinto ngunit mabilis kong hinawakan ang kaniyang kamay, tinignan niya ako ng malamig at walang emosyon, kagaya ng ginagawa niya noong ako'y bata pa upang matakot ako sa kaniya kahit na ganoon naman talaga ang normal niyang reaksyon, palagi ay nagtatagumapy siyang takutin ako, ngunit ngayon ang unang pagkakataon na hindi. Inilingan ko siya at dahan-dahang binitawan ang kaniyang kamay.

Diretsyo akong tumingin sa ale, hinihingi ang desisyon niya. Muli siyang bumuntong hininga at mabagal na tumango para sa pagpayag, tila hindi nito sigurado ang naging kasagutan niya.

Mabilis na binuksan iyon ni ama, bumungad sa amin ang isang lugar na puno ng mga bulaklak, ang amoy nito ang nagtulak sa akin upang maunang pumasok doon kaysa sa aking ama.

Dumeretsyo ako sa mga kulay pulang bulaklak na siyang nakaakit ng aking atensyon, napansin ko din ang dalawang parihabang mga higaan noong yumuko ako para amoyin ang bulaklak.

Mabilis akong napaayos ng tayo noong maalala kung ano ang ipinunta namin dito. Dumiretsyo ako sa kung nasaan ito. Hindi na ako nagulat nang makita doon si ama, nakatayo siya at sobrang seryosong nakatingin sa dalawang katawang walang buhay.

Nakakatawa man, ngunit natatakot akong bigla iyong tumayo. Dahil dapat ay nasa-ilalim na ng lupa ang mga katawang iyon, ikinwento pa ng ale na dalawang araw na ang nakalilipas nang mamatay ang mga ito, nais lamang niyang makita pa kahit ang mga katawan na lamang ng kaniyang anak at asawa.

Bawat sulok ng bangkay ay sinisilip ng aking ama, habang ako naman ay kaibahan niya, nanatili lamang akong naglalakad habang tinitignan ang mga katawan.

Pansin ko ang kulay ng kanilang mga dugo na naroon sa sapin ng kanilang hinihigaan. Nakakapagtaka lamang dahil hindi iyon gaya ng normal na kulay na nakikita ko sa t'wing mayroong nasusugatan. Bukod doon ay wala na akong ibang napansin pa, siguro ay dahil sa mga suot nila na nagtatakip sa ibang bahagi ng katawan.

"Ano sa tingin niyo ang nangyari?" Tanong ko kay ama.

Nag-angat siya ng tingin at nagsimulang magsalita, "Pupwedeng sila'y pinagtulungan na saktan," itinaas niya ang manggas ng isa at ibinunyag nito ang napakaraming pasa, mayroon din sa bandang pulso, mahaba ang iniwang bakas ng kung sino mang gumawa nito.

Ginawa ko din ang ginawa ni ama sa magkabilang manggas nito, kapareho ding may pasa, ngunit magkakaiba ito ng pwesto, ang tanging kapareho lang ay may mahabang pasa din ito sa bandang pulso.

"May mga naka-away ba sila?" Diretsyang tanong ko.

Agad na umiling ang ale, "Wala naman, ngunit parati kong nakikitang nakikipag-usap sila doon sa taong nakasama niya bago siya mawala..."

Hindi ko alam kung bakit tila nag-aalangan ako. Sa palagay ko kasi'y sinasabi ng ale na may ginawa ang lalaking iyon na pinaghihinalaan kong si Kaser na posibleng nagdulot ng kanilang pagkamatay. Sinasabi niya iyon ng harap-harapan sa akin, ngunit ayaw itong tanggapin ng puso at utak ko. Pakiramdam ko ngayon ay ginagawa ko ito para kay Kaser, upang mapatunayan na siya'y inosente kahit na hindi naman talaga kailangan.

"Ayos ka lang ba?" Kinalabit ako ng ale, agad naman akong tumango. "Bakit niyo ba ginagawa ang lahat ng ito?" kita ko kung paano siyang nagpigil na tuluyang lumuha.

"Para malaman namin kung paano silang namatay..." kaswal na sinabi iyon ni ama na para bang hindi iyon halata. "Nag-aalala akong baka maulit nanaman ang nangyari noong... hindi ko na nais pang sabihin," umiling siya, "...at baka ito ang paunang hakbang nila..." hindi namin inaasahan ang idinagdag niya. Pareho kaming nagulantang dahil sa lawak ng ideyang pumapasok sa kaniyang isipan.

Sa simpleng pagkamatay ng dalawang tao ay ganoon na kaagad kung paano tumakbo ang isip niya. Kakaiba talaga ang aking ama. Masyado siyang mabilis kung mag-isip.

"Ama... sa tingin ko ay walang kasalanan ang kahit ma sino man dito... sa tingin ko ay ang dapat nating alamin kung anong bagay ang posibleng makakagawa nito..." suhestyon ko, nadinig ko ang kaniyang buntong hininga.

"Paano mo naman nasabi? Sa tingin mo ba ay hahayaan nila ang isa't-isa na magkaganyan!? Ganoon ba sila kawalang utak sa paningin mo!?" Mataas ang kumpyinsa niya na hindi iyon magagawa ng kaniyang mag-ama. Naniningkit ang mga mata niyang tumingin sa akin, pinagtaasan naman siya ng kilay ng aking ama kung kaya't natahinik siya.

"Ang dugo nila'y hindi kagaya ng kulay ng dugo ng normal, hindi iyon kasing tingkad ng dugo natin." Kinagat ko ang ilalim na labi ko at noong magdugo ay ipinahid ko kaagad sa aking daliri at ipinakita sa kanila bilang patunay.

Ipinunas ko pa iyon sa sapin na kanilang hinihimlayan, malapit sa pwesto na mayroong natirang dugo. Napasinghap bigla ang ale na akala mo'y hindi iyon ganoon kadaling mapansin.

"Hindi magiging ganito ang kulay ng kanilang dugo kung sila'y nasaktan lang," umiling ako.

"Maaari nga iyan... pero paano ang mahabang pasa nila?" Batid kong alam na ng aking ama ang sagot at inaalam niya na lamang kung mayroon pa ba akong ibang ideya sa kung ano ang nangyari.

Ngumisi ako, ipinagmamayabang ang aking sagot. "Maaring ito ay dahil sa paghila sa mga kamay nila para madala sila sa kung saan, ang iba pang pasa ay posibleng bakas ng paghihirap ng mga nagbuhat dito, posibleng masyado silang nabigatan."

"May nakita ba kayong ibang bagay na posibleng maging dahilan upang magkaganito sila sa lugar kung saan sila natagpuang hindi na humihinga?"

"M-meron... isa iyong prutas... may kagat nang dumating kami..." napatingin siya sa kung saan, tila may tinatanaw. "Ibig sabihin... hindi kasama sa dahilan iyong lalaking laging naririto sa pagkamatay nila?" Napahawak siya sa sentido at dahan-dahang hinilot ito.

"U-uh..." wala akong sapat na lakas ng loob para masabi ang nilalaman ng aking utak.

"May nabanggit ba sila sa inyo kung sino ang lalaking iyon?" Ang ama ko ang nagsalita, tila nabasa niya ang nilalaman ng isip ko.

"Nakakapanghinayang na wala..."

Bago kami umuwi ay binigyan niya kami ng kaunting makakain, ilang beses kaming tumanggi ngunit mas madami ang beses na pinagpilitan niya na iyon na ang magsisilbing paumanhin sa lahat ng kaniyang masasamang sinabi at pasasalamat na din dahil sa kabutihang ginawa namin. Pinayuhan din siya ng aking ama na magpahukay na upang mailibing na ng maayos ang mga bamgkay dahil kung hindi ay posibleng mangamoy ito at hindi nila iyon magugustuhan, ang sagot naman niya ay gagawin niya daw iyon.

Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang lahat ng iyon na walang pag-aalinlangan sa kung iyon ay tama k hindi. Nakakatuwang sumubok ng bagong bagay na ikinatatakot kong gawin dahil lamang sa dahilang baka ako'y hindi tama.

Ngunit hindi pa rin nawawala sa isipan ko kung sino talaga ang lalaking palaging kinakausap ng mag-amang iyon. Ipinipilit kong si Kaser iyon kahit na wala namang sapat na patunay na siya nga iyon.

Itutuloy. . .

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon