Ang buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang.
Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng ta...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagmulat na lamang ako na nasa ganoong pwesto pa din kaming dalawa ni Kaser, noong lingunin ko siya ay mahimbing siyang natutulog habang nakapulupot ang kaniyang braso sa akin.
Nais ko siyang gisingin upang ipagpatuloy niya ang kaniyang tulog sa kaniyang higaan, ngunit nag-aalala ako na baka hindi na muli siyang makatulog kung kaya’t hinayaan ko na lamang. Napansin ko din na hindi pa tuluyang sumisikat ang araw, ngunit sumisilip na ito. Muli ay pumikit ako.
Noong magising ay bumungad sa akin ang maganda at malaking ngiti ni Kaser, agad akong nag-iwas. Nakita ko kaagad ang mataas nang araw, doon ay napagtanto ko na ako’y nakatulog muli.
Mabilis akong mapatayo, lumingon lingon upang maka-iwas lamang sa pagtatagpo ng aming mga paningin, pansin ko din na tumayo siya, lumapit siya sa akin at dahan dahang yumuko, doon ay tuluyan na ngang nagpantay ang aming laki at mga mata. Ngumiti siya ng walang dahilan tapos bigla ay hinila ako at sabay kaming tumakbo papunta kay Mi-Hi na tahimik na kumakain.
“Nais na naming lumisan,” diretsyong saad niya. Gulat lamang ang aking naging reaksyon dahil sa mabilis na pagdedesisyon niya, parang kahapon lamang ay nag-aalala siya sa akin at ngayon ay ninanais na niyang umalis mula sa nag-iisang taong tumanggap sa amin.
“Halina’t kumain muna, hindi maganda ang maglakbay ng gutom.” Mabilis kaming umupo.
Noong natapos kami ay agad kaming pinalabas ni Mi-Hi, sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang kabayo, “Iyan ang gamitin ninyo upang hindi kayo masyadong mapagod sa paglalakbay,” ngiti niya.
Napansin ko si Kaser, napakalaking kaniyang pagkakangiti at kulang na lamang ay kuminang ang kaniyang mga mata dahil sa saya. Humarap siya kay Mi-Hi at niyakap ito.
Ako naman ay naglakad patungo sa kabayong iyon, ngunit habang naglalakad ako ay mayroon akong kakaibang naramdaman, tila mayroong nakatingin sa akin. Lumingon lingon ako ngunit walang nakitang kahit na anino, kinakabahan kong binilisan ang aking paglalakad. Sumakay ako sa kabayo at doon sumigaw kanila Kaser, “Maari na ba kaming umalis?” Nasisilaw pa ako mula sa araw.
Mayroong ibinigay si Mi-Hi kay Kaser ngunit dahil sa layo ay hindi ko ito makita ng malinaw, matapos ay nagmamadaling tumakbo si Kaser papalapit sa akin. Agad niyang inalis sa pagkakatali ang kabayo, sumisigaw akong nagpapasalamat kay Mi-Hi dahil sa lahat ng kaniyang ginawa para sa amin.
Nakahinga ako nang maluwag noong hindi ko na matanaw ang tahanan na aming pinanggalingan, napatingin ako kay Kaser at doon ay ngumiti sa kaniya.
“Saan na ang sunod na pupuntahan natin?” Tanong ko.
“Sa kasunod na bayan,” aniya.
Gusto ko siyang irapan, ngunit bigla ay naalala ko na lamang na hindi ano ang pangalan ng bayang iyon kung saan kami patungo ang aking eksaktong tanong.
“Alam mo ba na mayroong tatlong pares ng mata ang sumusunod sa atin?” Tanong niya, tuloy ay napalingon ako sa lahat ng sulok na aking makita at nahinto iyon dahil napatitig aki sa kaniya sa pagkamangha.
“Saan?” Lumapit pa ako para lamang ibulong iyon kahit na alam kong malayo ang mga nagmamasid sa amin.
Sa sobrang pagiging abala ko sa pakikiramdam sa mga nasabing tao na iyon ay hindi ko na namalayan na kami ay nasa pamilihan na ng bayan.
“Hindi na natin kailangan bumili pa, mayroong ibinigay si Mi-Hi,” ngiti niya habang ipinapakita sa akin ang kanina pa niyang hawak na kung ano at nakabalot sa tela.
Ilang saglit pa ay nasa labas na kami ng bayang iyon, walang posibleng malinaw na daan upang ihatid kami sa kasunod na bayan, hindi katulad sa Zinambra.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, sa ilang hakbang namin simula noong kami’y maka-alis sa bayan ay agad naming nakita ang tatlong tao na nakasandal sa mga puno, tila mayroong hinihintay, noong makita nila kami ay hindi maitago ang kanilang mga ngisi.
Ako ay mabilis na kinabahan, humihiling na sana ay huwag silang lumapit at hindi sila ang tatlong tao na nabanggit kanina ni Kaser, noong magsimula silang maglakad ay agad akong itinago ni Kaser sa kaniyang likuran.
“Huwag kang gagawa ng kahit na anong sa tingin mo ay ikakapahamak natin, hindi ka lalaban, kung susugod man sila,” bigla ay napatitig ako sa kaniya. Hindi ko magawang sumang-ayon dahil hindi iyon ang sinasabi ng aking puso’t-isipan, mapupuno lamang ako ng pangamba kung hindi ako lalaban at makita siyang masaktan ng nag-iisa.
Nagtatawanan na sila noong makalapit, agad nilang inilabas ang kanilang mga espada, nanlaki ang aking mga mata, itinutok nila ito ay Kazer.
Nais kong umiyak sa takot. Inilabas ni Kaser ang isang tanto mula sa tela na kaniyang dala, mayroon siyang iniabot sa akin, napatitig ako doon, iyon ay ang aking tanto. “Gamitin mo lamang iyan sa kanila kapag ako’y natalo o namatay, ngunit mas maganda kung tatakbo ka’t hihingi ka na lamang ng tulong.”
Mayroong isa ang sumugod, mula sa likuran ay kita ko kung papaano itong sinalag ni Kaser gamit ang kaniyang tanto, nakakamangha, ngunit hindi ito ang tamang lugar upang sabihin iyon ngayon.
Sa ikatlong sipa ni Kaser ay natanggal niya sa pagkakahawak ng espada ang kalaban, kita ko kung papaanong nagulat ang dalawa pang lalaki, saglit na nanlaki ang kanilang mga mata, ngunit noong nakita nila na ako’y nakatingin ay nawala iyon.
Muli ay ngumisi sila at tumakbo papunta sa lugar kung nasaan ako, ang isa ay napatigil dahil kay Kazer, habang huling lalaki ay nagpatuloy sa pagtakbo papunta sa akin.
Wala siyang sinayang na panahon at agad na itinutok ang kaniyang patalim sa aking leeg, “Kung ako ikaw ay hindi ko nanaisin na magtutok ng kahit na anong patalim laban sa kaniyang kalaban lalo na kung hindi mo pa siya ganito katagal na nakikita.” Payo ko habang hawak ang patalim, ang aking dugo ay tumutulo na dahil sa higpit ng pagkakahawak ko dito.
Hindi ko nais na ipakita ang aking sakit kung kaya’t nagpapasalamat ako na agad na niya itong binitawan. Kakaiba noong ngumiti siya bigla, inaasahan ko na mayroon pa siyang ibang masama na gagawin sa akin ngunit nagoatuloy lamang ito at nauwi sa malakas na pagtawa. “Anak ka ngang tunay ni Lieus, wala ka ding takot gaya niya,” naglakad siya papa-ikot sa akin.
“Sa susunod nating pagkikita, Amara.” Tinapos niya iyon sa isang kindat bago hilain ang kaniyang mga kasamahan upang tumakbo.
Napatitig ako sa kung saan, at bigla na lamang napa-upo. “Bakit alam niya ang pangalan ko at ni ama?” Bulong ko. Noong mapansin ako ni Kaser ay nagmamadali niyang binitawan ang patalim na hawak at patakbong lumapit upang tuluyan akong tumayo.
Patuloy ako sa pagbulong ng mga salitang iyon dala ng pag-aalala sa aking naiwang pamilya, bigla ay bumuhos ang aking luha, hindi dahil ako ay nag-aalala, ngunit dahil naramdaman ko ng muli ang sakit na nagmumula sa aking kamay.