Gumising ako ng maaga at naglakad sa pasilyo ng aming tahanan nang may marinig akong mahihinang mga sigawan.
Nang mapagtantong galing iyon sa silid ng aking mga magulang ay agad akong lumapit doon at sumilip sa siwang ng kanilang pintong hindi maayos ang pagkakasara.
Nakatayo ang aking ina at naka-upo naman sa matigas na higaan ang aking ama. Kunot na kunot ang noo ng aking ina habang kakat'wang kampante lang ang aking ama, kung titignan ay parang hindi siya nakikinig dahil naroon sa bintana nakapako ang paningin niya. Ngunit sa t'wing magsasalita ang aking ina, bigla bigla ay sandaling makukunot ang noo niya at babalik sa dati ang reaksyon.
"Baka mapaslang ang anak natin," paos na sigaw ng aking ina habang hinahampas na sa braso ang aking ama. Mula sa maliit na siwang ng kanilang pinto ay kita ko kung papaanong isa-isang bumagsak ang luha ng aking ina patungo sa kaniyang pisngi.
"Hindi mapapaslang si Shamara." Paninigurado ni ama. Tinignan niya ang asawa at pinigilan ang muling dapat paghampas nito sa kaniya, pinunasan niya ang luha at niyakap dahilan para muling umagos ang mga luha nito.
"Hindi pupwedeng mamatay ang anak ko," pinaulit-ulit iyon ni ina habang nakayakap sa asawa. Kita ko ang paghihirap sa mukha ni ama.
Naramdaman kong nag-init ang aking mga mata, mamaya pa ay may mga luha ng pumatak mula roon.
Matapos ang senaryong iyon ay nakatulog na ang aking ina sa bisig ni ama. Maingat niya itong inihiga sa kanilang higaan, naupo siya sa gilid at nagsimulang suklayin ang buhok nito.
Ngayon ay kitang-kita ko kung gaanong kaitim ang ilalim ng mata ng aking ina. Agad akong nag-alala, nais kong pasukin ang silid at itanong kung ano ang nangyari bakit nagkaganoon siya ngunit tila may pumipigil sa akin para gawin iyon. Nanatili akong nakatayo at sinisisi ang sarili ko kung bakit nagkaganoon silang dalawa kahit na hindi ko alam ang tunay na dahilan.
Bigla ay narinig kong humihikbi ang aking ama habang patuloy pa din sa pagsuklay ng marahan sa buhok ni ina. Doon ko lang napagtantong kinakausap ng aking ama ang nahihimbing na niyang asawa, marahil ay hindi ko namalayan dahil sa paglalayag ng aking isipan sa dahilan.
"Hindi ko hahayaang mawala pati si Shamara." May pait ang boses niya. Nagsimula nanaman akong lumuha.
Ganoon ba kadelikado ang taong iyon dahilan upang magkaganito sila?
Maingat akong lumakad pabalik sa aking silid. At ng makapasok ay kumuha ako ng kapirasong tela at nagsuot ng sapin para sa aking paa. Kaagad akong dumeretsyo sa aming sisidlan ng mga pagkain at kumuha ng isang mansanas at kapirasong iba pang aming imbak, ibinalot ko iyon sa tela at lumabas ng tahanan.
Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw noong maakyat ko ang pangalawang pinaka-mababang bundok sa aming bayan.
Naupo ako sa damuhang patag na kaharap ang bangin. Humarap ako sa kung nasaan tingin ko sisikat ang araw.
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
De TodoAng buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang. Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng ta...