Bigla ay mayroong kung sino ang sumisigaw ang lumapit sa amin, napatingin ako at nakitang itinulak nito si ina kung kaya’t naalarma ako’t tumayo, nilapitan ko siya at agad na sinampal. Tinignan ko siya ng masama. “Bakit mo iyon ginawa kay ina!?” Sigaw ko habang patuloy pa din sa pagluha.
“Ikaw Shamara, nasaan si Kaser!?” Anito’t tinulak ako.
“Sino ka? Bakit ka narito?” Tanong ni ama.
“Ganiyan ka pa din pala... ama, hindi ka lamang nagbago noong mga panahong nawala ako... nawala nga ba?” Nagtaas siya ng kilay at natawa habang kami ay nagulat.
“Ngayon... Shamara, nasaan si Kaser? Ano ang ginawa mo sa kaniya?”
“B-bakit mo kilala si Kaser?” Hindi kailan man nagkwento sa akin si Kaser na mayroon siyang taong kakilala at napagkwentuhan na ako’y kaniyang makakasama sa kaniyang pag-alis.
“Nasaan si Kaser!?” Muli nitong sigaw.
“Wala na si Kaser! Inihulog ko na siya sa bangin! Ano masaya ka na!?” Napahagulgol ako matapos sumigaw.
Saglit siyang natahimik at noong marehistro na ang aking sinabi ay tila pati siya’y nagulat “Anong... sinabi mo!?” Nagsimulang umagos ang kaniyang mga luha.
“Shamara... anong nangyari sa iyo...” aniya na tila matagal na niya akong kilala.
“Nasaan si Kaser? Nasaan siya!? Naghanap na ako sa lahat ng lugar na aking pupwedeng mapuntahan, sa bundok at sa buong bayan ngunit hindi ko siya makita... doon mo ba siya inihulog... sa lugar kung saan... ka nagsimulang maging komportable sa kaniya, Shamara?” Mas lalo lamang akong nagulat noong sabihin niya iyon.
“Kakagaling ko lamang doon... ngunit hindi ko siya nakita... ang pangako niya’y siya ay babalik matapos ang ilang araw... ngunit nakita na kitang narito at malalaman kong siya’y wala na?” Napa-upo siya’t tumutok ang nakakatakot niyang mga mata sa akin.
“Shamara... tinuruan ka ba ni ama na gumawa ng ganiyan...?” Nagtataka pa din ako dahil sa kaniyang pananalita, ngunit dahil sa kaba ay wala akong magawa kung hindi ang umiling na lamang.
“Kung ganoon ay bakit mo iyon ginawa!?” Tumayo siya upang puntahan ako’t dakupin ang parte ng aking kasuotan na malapit sa aking leeg.
Nanlaki ang aking mga mata, sa paraan ng kaniyang pagkakatingin ay nais kong muling maluha. Masyado akong nanghihina sa ngayon upang lumaban pa sa kaniya.
Lalo pa akong nakungkot noong naalala ko si Ansel, “Tumigil ka sa pagsasalita na tila ganoon mo kami kilala... hindi ka si Ansel upang tawaging ama ang aking ama!” Sigaw ko, dahan-dahan niya akong binitawan at parang wala sa sariling pag-iisip na tumawa.
“Si Ansel? Matagal na siyang wala! Wala na si Ansel... Hindi ba’t iniwan niyo na siya sa inyong nakaraan? Kailan man ay hindi ko kayong narinig na sabihin ang pangalan na iyon simula noong mawala siya!” Nakita ko kung papaanong humagulgol ang aking ina bago siya patikimin ng isang sampal.
Nakahawak lamang siya sa kaniyang pisnge at nakakapagtakang hindi ko na nakikita ang galit sa kaniyang mga mata. Napakagat siya sa pang-ibabang labi at tinakpan ang buong mukha bago tuluyang umiyak. Sa kilos na iyon ay muli kong naalala si Ansel. Sino ba ang lalaking ito?
“H-hindi ko kailan man nakalimutan ang aking anak, kung hindi man namin masabi ang pangalang iyon ay... ang dahilan dito ay masyado na iyong masakit na alam naming dapat na naming iwasan... alam mo ba ang pakiramdam ng mawalan?”
“Oo! Dahil ngayon ay... ipinaramdam niyo na sa akin,” walang kasing diin ang pananalita niya at biglang nanlambot noong diretsyong tumingin kay ina
“Napakasakit mawalan... napakasakit na tila nais kong sumunod sa kaniya upang hindi ko na ito maramdaman...” paulit-ulit niyang hinampas ang mayroong pusong parte ng kaniyang katawan.
“Hindi niya natupad ang kaniyang pangakong magbabalik dahil sa aking kapatid... Shamara, ano ang maling nagawa niya sa iyo upang gawin mo ang lahat ng ito?” Napatitig ako... kapatid...
“Ansel anak?” Halata ang gulat sa aking ina.
“Oo ina, si Ansel ito na nagkaroon ng isang pamilya na ngayon ay pinarusahan niyo... ano ang totoong nangyari Shamara... sabihin mo... hindi ko ito matanggap, ikaw pa ba ang Shamara na nakasama kong lumaki?” Sinubukan siyang yakapin ni ina ngunit patuloy siya sa pag-ilag.
Malakas akong napahagulgol at napansin ang pagiging tahimik ni ama habang lumuluha. Buong akala ko’y magkakaroon ng tama ang nagawa kong mali sa panahong masabi ko na ang totoo at sa pag-amin nito.
“Ansel... parawarin mo ako...” lumapit ako sa kaniya.
“Ang nag-iisa kong pamilya noong ako’y iniwan niyo ay wala na... wala na si Kaser na nagturing na aking kapatid, ama at ina,” ngayon ay mas lalo akong nakaramdam ng galit sa aking sarili.
Hinanap ko ang aking tanto at ibinigay iyon sa kaniya, “Para kay Kaser... gawin mo ito Ansel...” ngumiti ako at pumikit ngunit wala akong naramdamang kahit na anong sakit.
“H-hindi ko ito magagawa...” rinig ko ang pagkahulog ng aking tanto.
“Hindi ka namin iniwan Ansel, alam mo iyon! Nawala ka sa pamilihan!” Sigaw ni ama na nakapagpadilat sa akin, ngumiti lamang si Ansel, “Sige... ako’y nawala kung iyon ang sabi mo... ama,” nagtataka akong napatingin sa kanilang dalawa.
“Ansel patawarin mo ako... Ansel...” iyak ko.
“Ansel anak ko...” niyakap siya ni ina na lalong nakapagpahagulgol sa kaniya.
“I-ina, mahal na mahal kita, kay tagal kong hinintay na maramdamang muli ang init ng iyong yakap...” pati ako’y nahawa sa kanilang pagluha.
Wala sa sarili akong nagpunta sa aking silid at doon ay ikinulong ang aking sarili. “Shamara! Ano ang gagawin mo?” Rinig kong sigaw ni ama mula sa labas ng aking silid.
“Hayaan niyo muna ako dito... ama,” naiyak ako noong maramdaman na nag-aalala sa akin ang aking ama sa kabila ng nagawa ko.
Naupo ako sa isang sulok ng aking silid at napatitig sa kung saan, mula dito ay rinig ko ang mga ibon at ang paghikbi ng aking ama.
Itutuloy. . .
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
RandomAng buhay ni Shamara ay malapit na sa salitang perpekto, isang babaeng marunong lumaban, mag-isip at mabuting anak sa kaniyang mga magulang. Ngunit matapos makakilala ng estrangherong may maskara ay nakumbinsi siya ng kaniyang ama na tanggalan ng ta...