Kabanata 10

9 2 2
                                    

Kita ko kung paano ang diretsyong linya ng kanyang labi ay biglang kumurba noong tignan niya ang kabuuan ng aking mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kita ko kung paano ang diretsyong linya ng kanyang labi ay biglang kumurba noong tignan niya ang kabuuan ng aking mukha. Hindi ko malaman ngunit tila nahawa ako't uminit bigla ang aking mukha kung kaya't agad kong ibinaling ang aking atensyon sa ibang bagay.

Ngunit sumusulyap ako sa kaniya ng panandalian, at kapag nakikitang lilingunin na niya ako'y bigla-bigla na lamang akong iiwas.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nanatiling ganoon, ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit na anong pagod nang inaya niya akong umupo sa isang tabi.

Saglit kaming nagkatitigan nang napatingin sa direksyon ng isa't-isa at 'tsaka parehong natawa nang walang dahilan.

Nang mapawi na ang saya ay tumayo siya't inaya akong pumasok doon sa malaking estraktura na nasa aming harapan, agad ko naman iyong tinanggap.

Pinagsiklop niya ang aming mga daliri kung kaya't nagulat ako, kasabay nito ay ininguso niya ang itaas ng malaking estraktura kung saan naroon ang dalawang lalaki na naglalakihan ang katawan at nakatitig sa magkahawak naming mga kamay. Nang magsalubong ang aming mga paningin ay sila ang naunang nag-iiwas.

Bumalatay ang takot sa akin, 'tsaka ako tumingin kay Kaser na ngayon ay patuloy pa rin sa paglalakad habang nakahawak sa aking kamay. "Kanina pa ba sila nagmamasid?" Tanging tango lang ang naging sagot niya.

Doon ay lumabas nanaman ang aking takot, kung wala siguro si Kaser at napansin kong mayroong nagmamasaid sa akin ay mabilis na akong tumakbo. Pinilit kong kalmahin ang aking sarili, nakababa lamang ako ng tingin habang patuloy pa din kami sa paglakad, ang istrakturang iyon ay naging napakalayo para sa akin dahil sa tagal na naming naglalakad.

Tuluyan na nga akong kinain ng aking takot dahil sa pagbilis ng aking hininga, panginginig at pagtulo ng aking mga pawis, agad namang napansin ni Kaser iyon kung kaya't inaya niya akong maupo sa isang tabi.

Sa ikalawang pagkakataon ay sumulyap ako kung nasaan ang mga nagmamasid sa amin ngunit wala na sila doon, sinusubukan ni Kaser na pakalmahin ako sa pamamagitan ng paghinga ng malalim at pagbuga nito na hindi ko malaman kung saan niya natutunan, ngunit nakatulong ito upang bumawas ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Nang tuluyan na akong kumalma ay nagpasya kaming magpatuloy sa paglalakad, ngunit ang magkasiklop naming mga kamay ay nanatiling ganoon.

Kumalma na nga ako ng tuluyan, ngunit hindi ang puso ko, patuloy ito sa pagtibok ng mabilis, inisip kong dahil iyon sa takot na idinulot sa akin kung kaya't pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at lumakad mang sandaling ayain niya ako.

Sa unang hakbang namin papasok sa estraktura ay agad akong namangha, nagkalat ang iba't-ibang klase ng espada, pana, palaso at maliliit na patalim na naka-ayos at nakalagay sa bawa't sulok. Diretsyo akong pumasok at pinakawalan ang kamay ni Kaser. Lumapit ako sa isa doon at hinawakan ang patalim, kulay ginto ang hawakan ng maliit na patalim at kumikinang, may tao sa magkabilang gilid ng kinalalagyan niyon ngunit hindi nila ako binigyang pansin, nakita ko lang na sumulyap ngunit hindi na umulit pa.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon