Kabanata 12

7 2 1
                                    

Noong magmulat ako bumungad sa akin ang pamilyar na lugar at naisip na sana ay isa na lamang iyong panaghinip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Noong magmulat ako bumungad sa akin ang pamilyar na lugar at naisip na sana ay isa na lamang iyong panaghinip. Gusto kong lumubog noong makita ko si Mi-Hi at Kaser na gulat na nakatitig sa akin.

Sinubukan kong maupo ngunit pinipigilan ako ni Kaser, napapansin ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha, sa bawa’t paggalaw ng kamay niya ay mayroong pag-iingat na akala mo’y ganoon ako kahalaga.

Muli ay ipinikit ko ang aking mga mata, umaasang isang masamang panaghinip lamang iyon at gusto nang magising sa katotohanan, ngunit nang hawakan ni Kaser ang aking mga kamay, doon ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa, napabuga ako ng hangin at muling dumilat.

“Ayos ka lang ba Koi? Saan ang masakit, sabihin mo,” iyon ang mga salitang bungad ni Kaser nang muli akong magmulat, nakapagtatakang hindi siya galit sa akin o sadyang pinipigilan niya lamang ang sarili niyang magalit dahil alam niyang mayroon akong iniindang sakit.

Ang bagong hiling ko sa oras na iyon ay walang-iba kung hindi ang magkaroon ng karamdaman sa mahabang panahon at kapag nakahanap ako ng pagkakataong muling maka-alis ay doon sana iyon mawala.

Nais kong sumigaw ng malakas at itanong kung paano ako nakabalik sa lugar na iyon ngunit agad kong naalala na mayroong bumuhat sa akin papalayo sa hayop na posibleng ako ang naging pagkain, naalala ko din ang pakiramdam sa braso ng estrangherong iyon, ngayon lamang ako nakaramdam ng pagiging ligtas sa kamay ng ibang tao.

“P-paano ako napunta dito?” Mahinahong tanong ko. Ngumiti si Mi-Hi at sumulyap kay Kaser, “Sa pagiging makulit ni Kaser ay patago siyang lumabas ng aking tahanan at naghanap sa malawak na kagubatan, swerteng nakita ka niya at mayroon siyang dalang sandata upang iligtas ka sa posibleng mangyari mula sa hayop na iyong nakita bago ka pa nawala sa wisyo.” Ginhawa ang bakas sa mukha niya, tila ngayon na lang ulit siya nakaramdam nito dahil sa todo ng kaniyang pagkakangiti, gusto ko mang matuwa na ako ang naging dahilan nito ay hindi ko magawa dahil palagi kong naaalala ang aking pagtakas at pagtatangkang tanggalin ang maskara ni Kaser.

Napatingin ako kay Kaser, sa paraan ng pagkakatingin niya kay Mi-Hi ay katulad kung paano titigan ng aking kapatid ang aming ina, bigla ay gusto kong umuwi na lamang. Naiisip ko din minsan kung mayroon bang pamilyang inuuwian o gustong uwian si Kaser, ngunit hindi pa ako ganoon kalapit sa kaniya upang itanong ang mga persol na bagay na iyon.

Ngunit kahit na mayroon o wala man siyang mga magulang o kapatid ay hindi sapat iyong dahilan upang maawa ako, ang sabi ni ama, sa oras na maawa ako ay hindi ko na magagawa ng maayos ang iniatas niyang utos sa akin dahil mayroon na akong nararamdamang simpatya para sa aming kalaban, ayaw kong biguin si ama dahil sa unang pagkakataon ay sa nagbigay siya sa akin ng tiwala, hindi gaya ng noon na siya lamang ang gumagawa ng lahat.

Hindi ko malaman kung bakit mayroong parte sa puso ko ang masaya sa aking nakikita sa pagitan ni Mi-Hi at Kaser, pinipigilan ko ang aking labi sa pagngiti. Siguro ay dahil bago sa akin ang pagiging masaya ni Kaser at talagang nakakahawa nga iyon.

“Maiwan ko muna kayong dalawa,” ani Mi-Hi noong mapansin ang pagtititigan namin ni Kasee, gusto ko siyang pigilan ngunit palalabasin lamang ito na ayaw kong makipag-usap sa taong nagligtas sa akin, kahit na iyon naman talaga ang totoo, ngunit ayaw kong iyon ang isipin nila kaya’t hinayaan ko na lamang siya.

Noong makalabas na si Mi-Hi ay pinutol ko na ang aming pagtititigan, nahihiya ako sa lahat ng aking ginawa, mula sa pagtangkang pagtanggal ng maskara niya hanggang sa pagliligtas niya sa akin, at kahit isang beses ay hindi pa siya nakarinig ng paumanhin mula sa akin.

Nabuo ko na ang desisyon na magsalita noong nauna siya, “Maayos na ba ang pakiramdam mo....” hindi ko malaman kung bakit huminto siya, namula at tumingin sa iba bago sinabi ang salitang, “Koi?”

Gusto kong magalit dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga huling salita niyang iyon, ngunit hindi ko magawa, ang nakaya ko lang sa ngayon ay tumango.

Sobra ang kaba ko, napakadaming tanong ang pumapasok sa aking isipan dahil sa sandaling pananahimik niya, noong tumayo siya upang lumipat at doon maupo sa dulo ng aking paanan at ngumiti ay naisip kong iyon na ang huling ngiti na ipapakita niya sa akin.

“Bakit hindi ka sumasagot?” Malambing ang tono niya.

“A-ayos lang ako,” pilit akong ngumiti.

“Nawalan ka ng malay matapos mong pilitin na tumayo, kailangan kong saluhin ka upang hindi ka bumagsak sa lupa at magdulot pa ng panibagong sakit.” Kwento niya.

“Ano ang nangyari sa lobo?”

“Mabuti na lamang at mayroong nakapansin na tumakas ako noong gabing iyon, nagpapasalamat akong sinundan niya ako’t may dala siyang palaso at pana.” Napabuga siya ng hangin tapos ay napatitig sa kung saan at tila may naalala noong tumingin nang muli sa akin dahil sa kaniyang reakyon, “Bakit ka nga pala tumakas noong gabing iyon?”

“Noong una’y gusto ko lamang lumanghap ng sariwang hangin sa labas ng malaking tahanan na ito ni Mi-Hi, ngunit hindi ko aakalain na mayroong susunod sa akin at tatawag... kung kaya’t nataranta ako at bigla na lamang tumakbo papunta sa kung saan sa malawak na kagubatan.” Pagsisinungaling ko, nagpanggap pa akong inaalala ang nangyari at ang mga dahilan sa pamamagitan ng pagkunot ng aking noo, nakuha ko ang ideyang iyon kay ama.

Tila hindi lumagpas ng isang tibok ang aking puso noong naglakad si Kaser papalapit sa akin, sa utak ko’y nag-iisip kung ano ang masama niyang balak at ang aking posibleng paraan upang makatakas sa kung ano man ang kaniyang gagawin, pinagpapawisan na din ako kahit na hindi naman ganoon kainit.

Nagulat pa ako noong kunin niya ang aking tanto sa isang gilid na hindi ko napansin na doon nakalagay at may ngiting lumapit sa akin, hindi naman iyon nakakatakot, ngunit para sa isang kagaya ko na mayroong kasalanan sa kaniya ay iba ang aking nararamdaman sa bawa’t hakbang na kaniyang ginagawa.

Itutuloy. . .


Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon