Kabanata 5

9 2 0
                                    

Kagabi ay hindi ako nakatulog, nakatitig lang ako sa kawalan habang iniisip kung paano niyang nalaman ang pangalan ko, nakaka-inis dahil wala akong mapagtanungan o mapagkwentuhan man lang ng lahat ng nangyari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kagabi ay hindi ako nakatulog, nakatitig lang ako sa kawalan habang iniisip kung paano niyang nalaman ang pangalan ko, nakaka-inis dahil wala akong mapagtanungan o mapagkwentuhan man lang ng lahat ng nangyari.

Nasa labas na ako ng aking silid noong dumating ang aking ina mula sa pamilihan.

"Ang mga tao'y nangangamba," panimula niya matapos maghanda ng aming makakain.

"Bakit?"

"May dalawang tao ang namatay." Ang mga mata ng aking ina ay napako sa kung saan.

"Ano ang naging dahilan?" Nagsimulang kumuha ng pagkain si ama.

"Ang dahilan ay hindi matukoy, ang nalalaman ng iba ay may naglason sa kanila, ang sabi ng iba ay nalason ang mga ito sa pagkain, pero ang pinaniniwalaan naman ng karamihan ay may pumatay dito. Ngunit ang lahat ng kanilang nasabi ay walang patunay. Puro lamang iyon mga haka-haka ngumit mas mabuti na lamang ang mag-ingat. Lalo na ikaw Shamara," ako naman ngayon ang tinignan niya, ang pag-aalala ay naroon sa kaniyang mukha.

Nginitian ko siya, "Kaya ko ang sarili ko, ina. Isa pa, kaya ko ding lumaban mag-isa, salamat kay ama."

Matapos ang aming hapunan ay mas pinili ko na lamang na maupo sa labas ng aming tahanan. Ipinikit ko ang aking mga mata.

Noong magmulat ay naroon na sa tabi ko ang aking ama, huli na ang lahat para itago pa ang gulat na agad na bumalatay sa aking mukha dahil agad siyang lumingon ng mag-ayos ako ng upo. Hindi ko man lang naramdaman ang pagkilos niya. Sabay kaming natawa.

"Ano sa tingin mo ang nangyari doon sa dalawang namatay na ikinwento ng iyong ina?" Bigla ay tanong niya.

Tinignan ko ang kakaunting natatanaw ko sa pamilihan. "Hindi ko masasabi. Hindi ko pa nakikita ang bangkay ng dalawa. Iba-iba minsan ang rason ng pagkakamatay. Pwedeng may malalang sakit pala ang isa kaya siya namatay, pupwede ding nagpakamatay ito dahil hindi na niya gusto na mabuhay pa, o hindi kaya'y nagpalason siya o nilason, iyon ang posibleng mga dahilan kapag malinis ang katawan ng namatay." Malalim akong bumuntong hininga dahil madami pa ang posibleng rason lalo na't hindi ko naman kilala ang mga iyon at hindi ko pa nakikita ang kanilang mga katawan.

"Ngunit kung may bahid naman ng mga dugo ang mga ito, pupwedeng sila'y sinaksak hanggang maubusan ng dugo, pinatay, binugbog, at napakadami pa." Idinagdag ko.

"Hindi natin matutukoy kung wala tayong alam na tama. Puros sabi-sabi lamang ang mga iyon, walang kumpirmasyon galing mismo sa pamilya ng namatayan." Umiling-iling siya.

"Nasa bundok na nga ang bayan natin, ngunit mas pinili niyo pang mas tumaas kaysa sa iba. Ama, ano ang dahilan?"

"Ayaw ko ng maingay, at gusto ko na mayroon tayong lugar kung saan pupwedeng mag-ensayo at magtanim ng walang nakikialam na iba."

"Gusto mo bang sumama?" Tanong niya.

"Saan?"

"Sa pamilihan, aalamin natin ang katotohanan." Agad akong nagtaka.

"Ano naman ang magagawa nito sa atin kung sakaling magtagumpay nga tayo?"

Hindi pa nakakasagot ang aking ama ng hilain niya ako. Naglakad kami sa ilalim ng mainit na araw, pakiramdam ko ay kapag kami ay nagtagal pa ay masisira na ang sapin ko para sa paa.

Tinignan ng matalim ni ama ang lahat ng nagtatangkang tumingin sa amin, kung kaya't lahat ito ay umiiwas o hindi kaya ay magbababa ng tingin sa kanilang mga paa.

Tinakpan ko ang aking bibig upang mapigilan ang malakas na pagtawa. Lumingon sa akin si ama at agad ko siyang kinindatan, narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Totoong ang titig pa lamang ng aking ama ay masisindak ka na, mas lalo ka pang matatakot kapag nakita mo na kung ano ang nasa ilalim ng mahaba niyang manggas. Kahit na ganoon na ang edad ay naglalakihan pa din ang kaniyang mga braso na parang parati ay mayroon siyang ginagawa na mabibigat na trabaho, ngunit ang totoo ay maghapon lamang siya na naka-upo o hindi kaya'y nagdidilig ng kaniyang mga pananim.

Tila kabisado niya ang direksyon na kaniyang pupuntahan, hindi siya lumilingon sa paligid, basta na lamang siyang naglalakad.

Sinundan ko lamang siya hanggang sa makarating kami sa isang malaking bahay na binuo gamit ang mga bato, sa unahan ng tahanan ay may tao sa magkabilang gilid ng pasukan.

Tinignan nila kami, 'tsaka binalingan ang isa't-isa. Nakakatawang isipin na tila nagkakaintindihan sila gamit lamang ang pagtititigan. Matapos pa ang ilang segundo ay tumingin sila sa amin 'tsaka kami tinignan ng masama, akala siguro nila'y masisindak nila kami sa ganoon.

Ganoon na lamang ang gulat ko noong pagtaasan ni ama ang kilay ng isa sa kanila tapos ay bigla itong kumaripas ng takbo papasok sa loob ng bahay. Ng lumabas ito ay may kasama ng isang hindi katandaang babae.

Ang tingin niya ay agad na napako sa aming mga kasuotan, inaalam kung ano ang antas ng aming pamumuhay.

"Bakit kayo narito? Ano ang kailangan niyo?" Magkasunod agad ang kaniyang tanong.

"Nais naming makita ang mga bangkay upang matukoy ang totoong dahilan ng pagkamatay nila." Sagot naman ni ama, nais ko din sanang sumagot ngunit nagdalawang isip ako dahil sa nabubuong tensyon sa pagitan nila na hindi ko malaman kung saan nanggaling.

Bigla ay humalakhak ang ale, "Ang bilis namang kumalat ng balita," tinanaw niya ang maingay na pamilihan. "Kung narito kayo para sa pera ay wala akong maipambabayad sa inyo, malaman niyo man o hindi ang totoong dahilan ng pagkamatay nila." Bigla sa paningin ko ay nag-alab ang kaniyang mga mata.

"Hindi kami narito para sa pera ninyo."

"Bakit pala kayo narito kung ganoon?" Matapang na sagot niya. Kahit bakas ang galit ay walang nagbago sa kaniyang postura, nanatili ang kaniyang noo na nakataas, diretsyong nakatayo na siyang ipinapakita na isa siyang matatag na babae at hindi kailangan ng tulong ng iba.

"Gusto lamang namin na malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay nila, upang magkaroon ng katahimikan ang inyong kalooban ay sisiguraduhin namin na gagawin ang lahat ulang malaman ang totoo, ng hindi naglalabas ng pera." Ako naman ang nagsalita. Binanggit ko ang salitang 'pera' sa pinakamadiing paraan na aking makakaya upang mapalagay ang kaniyang isipan, pati na din ang kaniyang kalooban.

"Bago sila mawala ay may tao silang kinausap," doon ay nagsimulang magkaroon ng tubig ang gilid ng kaniyang mga mata. "Nakita ko sila, doon nakatayo at kinakausap ang isang lalaki na mayroong maskara. Itim ang lahat ng kaniyang damit, may kataasan at mahaba ang buhok. Kinabukasan matapos 'yon ay... nawala na sila... ang anak at asawa ko... ay patay na..." itinuro niya ang likod namin kung saan mayroong isang malaking puno tapos ay nagsimula nang tumulo ang kaniyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

"S-sa tingin ko ay may kinalaman ang lalaking iyon sa pagkamatay ng mag-ama ko..." napatitig siya sa kung saan.

Ngayon ay isang nawalan ng mahal sa buhay, isang ina at asawa na naulila na aking nakikita. Ngunit kahit na ganoon ay nanatili ang kaniyang pustura.

Ang mga salitang 'nakita ko sila kinakausap ang isang lalaki na mayroong maskara' ang siyang nakakuha ng aking atensyon.

Alam ko na malayang magsuot ang mga tao ng kahit na anong gusto nila, kasali na dito ang maskara. Ngunit noong sabihin niyang 'may kataasan at mahaba ang buhok' ay pumasok kaagad sa isip ko si Kaser.

Kung siya man iyon ay... ano ang koneksyon niya sa pamilyang ito?

Posible bang may nalalaman siya?

Itutuloy. . .

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon